Maria Glenda Oliveros

Si Ate Glenda ay tubong La Castellana, Negros Occidental, Isa sa sampung magkakapatid na lumaki sa isang payak at mahirap na pamilya. Ang kanyang ama ay isang tractor driver at ang kanyang ina naman ay isang butihing maybahay. Sa kabila ng kahirapan ay napagtapos pa rin si Ate Glenda ng kanyang mga magulang sa kursong Marketing Management sa PSBA.

Noong siya’y nasa kolehiyo pa, nagtinda siya ng polvoron sa school para maka tustos sa kanyang pang araw araw na allowance. Naging patok ang kanyang polvoron sa kanyang mga balikbayan na kababayan. Pansamantalang natigil ang kanyang paggawa at pagbenta ng polvoron ng siya ay makatapos na ng kolehiyo at nakapagtrabaho. Nagkaroon sya ng oportunidad na makapag trabaho sa ibang bansa, una sa Saudi Arabia bilang Shop Coordinator at ang huli ay sa Amerika bilang caregiver. At dahil sa pagpupunyagi habang sya ay nasa abroad, napatapos nya ng pag-aaral ang kanyang 4 na pamankin na ngayon ay pawang may pamilya na.

Bumalik muli si Ate Glenda sa kanyang bayan sa Negros at dito sya nag-invest. Nung una nag invest sya sa farming project ng kanyang pamilya at nagpa-rent ng 8 hektaryang lupa na minana nila sa kanilang magulang. Subali’t bumagsak ang presyo ng asukal kung kaya’t hindi rin umunlad ang kanilang negosyo.

Sa kanilang parish ginugol ni Ate Glenda ang kanyang oras at siya’y naging lider sa service committee. Dito na niya nakilala ang Angat Buhay project ni VP Leni Robredo na kung saan naturuan nila ng mga negosyong pangkabuhayan tulad ng candle making ang mga 30 parishes ng Diocese ng Kabankalan kalakip ang start up capital. Nguni’t nang dumating ang pandemya, hindi na nila na sustain ang candle making business dahil pansamantalang nag sarado ang mga simbahan at sementeryo kung saan nila dinadala ang kanilang mga produkto.

Kung kaya naman naisipan balikan ni Ate Glenda ang kanyang polvoron business na mas lalo pa niyang pinag-igihan ang sangkap. Dinagdagan niya ito ng turmeric para mas healthy ang kanyang products. Para sa kanya, hindi lang pantawid krisis ang paggawa ng polvoron kundi isang pagbabalik sa kaniyang matagal nang nalalamang hanapbuhay.

Product Price
Special Polvoron with Turmeric - Small ₱25.00 for 5 pieces
Special Polvoron with Turmeric - Large ₱120.00 for 25 pieces

 

Contact Details:  

(0969)0104178

Email: contact.iskaparate@gmail.com

Messenger:  iskaparate.com

Link: https://www.iskaparate.com/maria-glenda-oliveros

 

Share this article