See Exclusive Deals for the Christmas Season!

Maria Cecilia Balindang

Si Nanay Cecilia Balindang ay 48 years old, asawa ni Tatay Lito, at naninirahan sa Tabaco City, Albay. May apat silang anak.

Dahil sa passion ni Nanay Cecilia sa pagluluto, itinayo nila ni Tatay Lito noong 2005 ang Jopay's Pilinut Candies. Sila mismo ang nagluluto at nagtitinda dahil maliliit pa noon ang kanilang mga anak. Noong 2007, pansamantalang nagsara ang kanilang tindahan dahil kinailangan na dalhin ang kanilang anak sa Manila para sa cleft palate operation. Nang bumuti na ang kanilang anak, naghanapbuhay silang muli. Nagbenta si Nanay Cecilia ng isda at lutong ulam habang nagpasada ng tricycle si Tatay Lito. Dahil kulang pa rin ang kita, nanghiram sila ng puhunan sa Socio-Economic Development Program Multi-Purpose Cooperative (SEDP-MPC) at binalikan nila ang pili nut business. Pinag-ibayo ng mag-asawa ang pagpapalago sa kanilang pili nut business noong 2014. Lumahok si Nanay Cecilia sa mga pagsasanay na inalok ng SEDP-MPC, Department of Trade and Industry at Department of Science and Technology. Nagpundar sila ng mga bagong kagamitan at pinaganda nilang lalo ang kalidad ng kanilang produkto at ang kanilang packaging.

Ipinagmamalaki ng mag-asawang Cecilia at Lito na ang kanilang pili nut ay gumagamit ng lokal na sangkap, crunchy, at malusog. Marami na silang customer ngayon at nakakatulong nila ang kanilang mga anak sa negosyo. Sa kabila ng maraming hamon na kanilang dinaanan tulad ng kakulangan ng kapital at tindi ng kompetisyon, nananalig ang mag-asawa na patuloy na lalago ang kanilang negosyo.

 

Product Price
Jopay Pili Nut Glazed Jar 250g Php250
Jopay Pili Nut Glazed 100g pouch Php105

Jopay Pili NutGlaze with Sesame 250g

Jopay Pili NutGlazed with Sesame Pouch 100g

Php210

 

Php105

Jopay Pili Nut Roasted Jar 250g

Jopay Pili Nut Roasted Pouch 100g

Php250

 

Php105

Jopay Pili Nut Salted 250g

Jopay Pili Nut Salted 100g

Php250

Php105

 

Contact Details:  

(0969)0104178

Email: contact.iskaparate@gmail.com

Messenger: iskaparate.com

 

 

Share this article