Maria Asuncion Patong

Si Nanay Asuncion ay 45 years old, naninirahan sa Cebu City, at asawa ni Tatay Danny. May dalawa silang anak na dalawampu"t isa at labingsiyam na taong gulang.

Itinayo ni Nanay Asuncion ang Mary Handicraft Manufacturing noong June 2011. Kasapi siya ng isang samahan ng mga kababaihan na nais maghanapbuhay. Limampu sila nung mag-umpisa nguni't marami ang hindi bumalik pagkatapos ng unang araw. Sa mga sumunod na araw, unti unting nabawasan ang mga miyembro. Consignment ang paraan ng kanilang pagbebenta hanggang sa makakuha sila ng isang corporate customer. Dumating ang panahon na apat na lang sila na nagtataguyod ng hanapbuhay at nagkaroon sila ng utang. Hindi sila sumuko at pinag-ibayo pa nila ang kanilang pagsisikap upang makaahon. Nagbunga naman ang kanilang pagpupunyagi dahil ngayon ay wala na silang utang at nakaipon pa sila ng kaunting kapital para ipagpatuloy ang kanilang negosyo na siyang nagtataugyod ng kanilang mga pamilya.

Dahil sa pandemya, natuon ang priority ng mga tao sa pagkain at pang-araw-araw na pangangailangan. Dahil dito, humina ang demand sa dolls at stuffed toys. Nguni"t si Nanay Asuncion ay beterano na ng maraming pagsubok kaya hindi siya sumusuko. "Matira ang matibay" sabi ni Nanay Asuncion at natitiyak niyang siya ay mas matibay kaysa sa Covid19 crisis.

Product Price
Anatomically Correct Adult Doll Php 899
Anatomically Correct Young Doll (Boy) Php 699
Anatomically Correct Young Doll (Girl) Php 699
Emojie Virus Stucked out Tongue with Full Body
Php 129 for 12 inches
Sassy and Mona Doll Collection Php 389
Indigenous Collection
Php699 for 12 inches
Emojie Virus Happy Face Keychain Collection Php 199 per piece
Emoji Huggable Collection Php299 per piece
Emoji Keychain Collection (4 Diameter) Php 199 per piece

 

 

Contact details:

(0923) 105-8383
Email: jinglepats1015@gmail.com

FB: Jingle Patong

Address:
Sitio Nangka, Tisa 2 Cebu City

Share this article