Margarita Natividad

Si Nanay Margarita ay 63 years old, asawa ni Tatay Nelson, at may limang anak bukod sa isa na pumanaw na. Nabuo ang negosyo ni Nanay Margarita sa panahon ng Covid19. Ang kanyang anak na si Zaira ay nagbitiw sa kanyang trabaho sa Quezon City dulot ng pangamba sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid19 sa lungsod. Sa nakuhang separation pay ni Zaira, nagpundar siya at si Nanay Margarita ng negosyo sa paggawa ng dishwashing liquid, detergent powder, at fabric conditioner. Dahil sa sipag ni Zaira na mag-post ng mga produkto sa social media, marami ang nakapansin sa kanilang mga produkto. Ang mga sumubok sa produkto nila ay natuwa dahil sa kalidad. Ipinagmamalaki ni Nanay Margarita na ang kanilang mga produkto ay mabango, mabula, at may presyong abot-kaya.

Isang patunay ang mag-inang Margarita at Zaira sa kasabihang may pagkakataon sa likod ng bawa't suliranin. Bagaman nais ng mag-ina na tuluyan nang mawala na ang Covid19 virus, umaasa sila na patuloy na lalago ang kanilang negosyo dahil sa kanilang pagtutok sa kalidad ng produkto at mahusay na serbisyo.

Product Price
Fabric Conditioner Anti-bacterial Php 50
Fabric Conditioner Passion Php 50
Fabric Conditioner Lavander Php 50
Fabric Conditioner Gentle Php 50
Dishwashing Liquid Php 50
Detergent Powder Php 50

 

Contact details:

(0933) 037-9993 / (0917) 913-9940

Email: zairanatividad08@gmail.com

Address: 

Block 4, Lot 6, Purok 3, Barangay San Pedro Sapang Palay,

San Jose Del Monte City, Bulacan

Link: https://www.iskaparate.com/margarita-natividad

Share this article