Ma. Zenaida Acutina

Si Nanay Bok ay 43 years old, naninirahan sa Antipolo City, at asawa ni Tatay Joselito.  May dalawa silang anak na edad 22 at 21.

Taong 2000 nang magsimulang magtinda si Nanay Bok upang makatulong sa kanyang asawa sa gastusin ng pamilya. Lulubog lilitaw ang negosyo niya noon dahil sa kanyang sakit na scoliosis.  Nguni't bilang isang ina, naisip niyang kailangan tibayan ang kanyang loob at palakasin ang kanyang katawan para sa kanyang pamilya. Naglagay siya ng mesa at payong sa harap ng kanilang bahay at nagsimulang magtinda ng tatlong putaheng ulam hanggang sa madagdagan pa ito ng cold cuts, burgers, french fries, homemade cheese sticks at kung anu-ano pa.  Dahil sa pagtutulungan nilang mag-asawa, napagtapos nila sa kolehiyo ang dalawa nilang anak.  Nang lumobo ang gastusin dahil sabay nag-aral ang dalawa nilang anak, natulungan sila ng Kasagana-ka Credit and Savings Cooperative sa pamamagitan ng loans para sa negosyo at edukasyon. 

Naumpisahan ang Food Bok's noong 2007 at naging matagumpay naman ito hanggang sa dumating ang Covid19 at ang lockdown.  Sa unang araw ng lockdown ay pansamantalang nahinto ang kanilang operasyon. Naging mahirap mamalengke, tuimaas ang presyo ng food storage, at humina ang mga order.  Lumala pa ang sitwasyon nang maging hotspot sa Covid19 ang kanilang barangay.  Nagdesisyon si Nanay Bok nna magbenta online at pinalad naman siya na tangkilikin ng mga customers.  Unti unti na siyang nakakabangon mula sa pagkakalubog at hangarin niyang lalo pang palawakin ang kanyang market.  Plano niyang makakuha ng "Bajaj" trike upang makapag-deliver sa mas malalayong lugar.

 

Upang panatilihin ang pagtangkilik ng kanyang mga customer, sinisikap palagi ni Nanay Bok na gawing affordable, presentable, malinis, kakaiba at masarap ang kanyang mga produkto.  



Product Price
Embok Panada de Kaliskis Php 130  for 6 pieces
Empancit Combo
Php 120 good for 2
Homemade Cheese Sticks Php 70 for 50 pieces
Baked Penne Combo
Php 140 good for 2

 

 

Contact Details: 

(0935) 049-6890 / (0975) 469-0959

Email: marizenacutina@gmail.com

Facebook: Food Bok's

Address:

Rd. 25 Lot 31A, Brgy. Bagong Nayon 1, Cogeo Village, Antipolo City

Link: https://www.iskaparate.com/zenaida-acutina

 

Share this article