Lucita Rosaros

Si Nanay Lucita Rosaros ay 43 years old, asawa ni Tatay Arnulfo, at may dalawang anak. Ang panganay ay nag-aaral sa University of Rizal System ng kursong Bachelor of Secondary Education, Major in Filipino, at ang bunso naman ay nag-aaral sa Philippine Best Training System ng kursong HUMSS. Si Nanay Lucita ay tubong Sorsogon at anak ng isang magsasaka. Lima silang magkakapatid. Namasukan siya bilang trimmer sa isang kumpanya ng damit, "Fung Garments", at doon ay natutong manahi. Sa simula ay libangan lang ni Nanay Lucita ang pananahi nguni't sa kalaunan ay nakita niya na ito ay puwedeng maging negosyo kaya't tinuloy tuloy na niya ang pananahi ng ready to wear. Gumagawa siya ng RTW at punda at ipinagmamalaki niya na ang kanyang mga produkto ay matibay at abot-kaya ang presyo. Sa pagsapit ng pandemya ay natigil ang kanilang pananahi dahil hindi sila makalabas upang mamili ng materyales at makapagbenta. Nang bumuti na ang sitwasyon at lumuwag na ang quarantiine, unti unti na rin silang nakabangon. Sa ngayon, sinisikap nila na makakuha pa ng karagdagang customer upang patuloy na umangat ang kanilang negosyo. Dahil sa pandemya ay napagtanto ni Nanay Lucito na kailangan mayroon siyang naipon upang mayroon siyang madudukot pag dumarating ang pagsubok tulad ng Covid19.

 

Product Price
Blouse Php 60 wholesale
Terno Shorts Adult Php 130
Terno Pants Adult Php 130
Terno Pants Kids Php 115 wholesale
Terno Shorts Kids Php 115
Sando 65 each
Punda 20 each

Spaghetti Terno (Adult)

Spaghetti Terno (Kids)

₱130

₱90

  

Contact Details:

(0926) 178-9262

Email: rosaroslucita@gmail.com

Address:

132 A 2Nd Street, Javier Compound Barangay San Juan, Taytay, Rizal

Link: https://www.iskaparate.com/lucita-rosaros

Share this article