Find the perfect gift for your loved ones this Valentines!

Lucita Nobleza

Si Nanay Lucita Nobleza ng Murcia, Negros Occidental. ay 57 years old. Siya at si Tatay Edmund na kanyang asawa ay biniyayaan ng dalawang anak na pawang may mga pamilya na. Itinaguyod ni Nanay Lucita ang kanyang pamilya mula sa kinita niya sa paggawa ng walis. Taong 1990 nang inumpisahan niya ang kanyang negosyo sa maliit na puhunan upang makatulong sa pang-araw-araw na gastusin ng pamilya. Masusi niiyang pinag-aralan at sinikap mapalago ang hanapbuhay na ito. Hinasa ni Nanay Lucita ang kanyang mga anak sa ganitong hanapbuhay hanggang ito na rin ang kanilang maging negosyo para sa sarili nilang mga pamilya. Ipinagmamalaki ni Nanay Lucita na ang kanyang mga produkto ay matibay, pangmatagalan, at de kalidad. Maganda na sana ang takbo ng pagawaan ng walis nguni't nagambala ito ng Covid19. Bumagal ang takbo ng negosyo at nahirapan si Nanay Lucita at kanyang mga anak na ilako ang kanilang produkto sa iba't ibang lugar. Sa kabila ng lahat, patuloy pa rin siyang nananalig na magwawakas din ang pandemya at makakabangon muli ang buong bansa, kabilang na ang kanyang hanapbuhay.

 

Product  Price
Udjung Tali Php 100 tali
Wood Handle Php 2.50 per piece
G.I Wire No. 20 Php 130 per kilo
Plastic Rattan Php 60 per piece
Plastic Twine Php 75 per kilo
Kisil Php 75 per kilo
Tahi Php 5 per piece
Her-is Php 5 per tali

 

Contact Details:

(0909) 874-5148

Email: noblezalucita@yahoo.com

Address:

Purok Silhigan, Barangay San Miguel Murcia, Negros Occidental

Share this article