Si Nanay Lourdes Berina, 43 taong gulang, ay ipinanganak at lumaki sa Buhi, Camarines Sur at bunso sa pitong magkakapatid. Sa murang edad na 14, siya ay lumuwas ng Maynila sa paghahangad ng mas magandang buhay, nakipagsapalaran at namasukan bilang dishwasher noong una hanggang sa nakapagtrabaho sa pagawaan ng mga topsider sa Marikina sa loob ng tatlong taon bilang taga areglo.
Dito nya natagpuan ang kanyang kabyak, si Tatay Mario, na noon ay cutter at designer ng topsider. Sila ay nabiyayaan ng isang anak at sa kasalukuyan sila ay mayroon na ring apo.
Taong 1994 ng sila ay tumanggap ng mga made to order na sandals na balat sa Bulacan hanggang sa napadpad sila sa Antipolo at dito ipinagpatuloy ang kanilang maliit na negosyo ng pagawaan ng tsinelas. Nagsimula ng taong 2010 sa isang repair shop lang. Nag sub-con sa ibang kompanya hanggang sa nagkaroon ng sariling gawa at nagsikap na makagawa ng marami hanggang sa nagkaroon ng maraming orders at mga customers.
Sa kasalukuyan sila ay may sampung manggagawa ng tsinelas at ang mag asawa ang magkatuwang sa pamamalakad ng kanilang maliit na negosyo. Ang kanilang mga produktong tsinelas ay nakakarating at isinusupply sa iba’t ibang lalawigan tulad ng Bulacan, Bicol, Pangasinan, Metro Manila, Iloilo, Cebu hanggang sa Jolo, Sulu at Cotabato..
Sa tulong ng Kasagana-Ka Credit and Savings Cooperative (K-Coop) sila ay nagkaroon ng dagdag puhunan at hanggang ngayon ay patuloy na nagsisikap upang mapalago ang negosyo. Pangarap ni Nanay Lourdes balang araw na makapagpatayo ng sariling pwesto ng tsinelas.
Isang malaking kawalan para sa kanila ang pagdating ng Covid19 pandemic dahil nasara ang kanilang pagawaan. Hindi nakapasok ang kanilang mga manggagawa at natigil ang kanilang produksyon. Nawalan sila ng kita sa loob ng ilang buwan. Tanging pagtitinda ng tira tirang nilang stock ng tsinelas ang kanilang pinagkakitaan upang makaraos sa araw-araw na gastusin. Sa kasalukuyan bukas na uli ang kanilang pagawaan at unti unti na rin silang nakakabangon. Patuloy silang nagsisikap upang mapaunlad ang kanilang negosyo.
Product | Price | |
Women's Slippers | ₱250.00 | ![]() |
Sandals (Unisex) | ₱350.00 | ![]() |
Men's Slippers | ₱300.00 | ![]() |
Men's Slippers (slider) | ₱350.00 | ![]() |
Contact Details:
(0929) 392-7513 / 637-1125
Email: wownaman222@gmail.com
Address:
Sta. Isabel St., Penafrancia Cupang, Antipolo City
Link: https://www.iskaparate.com/lourdes-berina