Lorna Quintana

Si Nanay Lorna Quintana ay 45 taong gulang, asawa ni Tatay Vicmon at naninirahan sa Payatas, Quezon City. Siya ay tubong Isabela, isa sa walong anak ng mga magsasaka. Maaga siyang naulila sa ama kaya't kinailangan niyang maghanapbuhay sa halip na tapusin ang pag-aaral. Labing walong taong gulang siya nang makapag-asawa at apat ang kanilang anak ni Tatay Vicmon. Isa ang nakapagtapos ng Criminology habang dalawa pa ang nag-aaral. Upang madagdagan ang kinikita ni Tatay Vicmon bilang technician, pinasok ni Nanay Lorna ang negosyo ng rug making dahil iyon ang hanapbuhay ng maraming kababaihan sa kanilang lugar. Mahirap sa umpisa dahil maliit lang ang benta at naisip din Nanay Lorna na itigil na ang negosyo nguni't sa bandang huli ay nanaig pa rin ang tiyaga at kagustuhang mapalago ang kanyang hanapbuhay. Sa ngayon ay nakatutulong nang malaki ang kanyang hanapbuhay sa pagtataugyod ng kanuyang pamilya. Nang dumating ang Covid19, nagtaasan ang presyo ng materyales at humirap din ang paghahanapbuhay nguni't patuloy pa ring lumalaban si Nanay Lorna sa. kahirapan. Inaalalayan siya ng Kasagana-Ka at ngayong natulungan siyang ipakilala ang kanyang mga produkto sa online platforms, umaasa siyang matutupad pa rin niya ang kanyang pangarap na gawing matipuno at masigla ang kanyang negosyo.

 

Product  Price
Doormat Printed Small Php 20 each
Pot Holder Php 5 each
Doormat Plain small Php 25 each
Doormat Plain medium Php 35 each
Doormat Printed medium Php 30 each

 

Contact details:

(0919) 881-1640

Email: lornaquintana35@gmail.com

Facebook: Princess Rug Making

Address:

38 Sto. Nino Street, Payatas-A, Quezon City

Link: https://www.iskaparate.com/lorna-quintana

 

Share this article