See Exclusive Deals for the Christmas Season!

Lorena Pacheco

Si Nanay Lorena ay 55 years old, ipinanganak sa Manila nguni't naninirahan sa Rodriguez, Rizal.  May tatlo siyang anak na pawang may sarili ng pamilya.  Mag-isa niyang itinaguyod ang kanyang mga anak dahil hiwalay siya sa asawa.
 
Nag-umpisang magnegosyo si Nanay Lorena noong 2012 nang lumipat siya at ang kanyang mga anak sa  Rodriguez,Rizal. Nagluto siya ng kakanin at inalok niya sa mga kapitbahay.  Mahirap ang kanyang simula dahil hindi pa siya kilala ng mga nasa lugar nila.  Sa paglipas ng mga araw ay dumami na rin ang nakatikim at nasarapan sa kanyang mga luto kaya nagkaroon na siya ng mga suki.  Sinisikap ni Nanay Lorena na gawing malinis ang paraan ng pagluluto ng kanyang mga kakanin at ilagay ang tamang sangkap upang makuha ang lasa na hinahanap ng kanyang mga suki.  
Sa ngayon ay maayos ang takbo ng kanyang negosyo at tumutulong sa kanya ang isa niyang apo.  Nang dumating ang pandemya, natigil siya sa pagtitinda dahil sa limitasyon sa paglabas ng bahay.  Hinanap siya ng mga customer kaya't binalikan niya ang pagluluto at pinagsilbihan muli ang kanyang mga suki.  Matibay ang pananalig ni Nanay Lorena sa Diyos at sa kanyang sariling kakayahan.  Naniniwala siyang patuloy na lalago ang kanyang negosyo lalo na pag nawala ang Covid19.
Product Price
Suman Php7.00 per piece
Kutsinta Malagkit Php60.00 per piece
Puto Php7.00 per piece
Biko Php60.00 per piece
Kutsinta Php4.00 per piece
Sapin Sapin Php20.00 per piece
Cassava Cake Php60.00 per piece
Cassava Php20.00 per piece
Cassava Flan Php60.00 per piece
Pitchi Pitchi Php20.00 per piece

 

 

Contact Details:

(0975) 713-6875

Email: lorenapacheco.2164@gmail.com

Address:

Phase 2A, Block 7, Lot 154, Greenbreeze, San Isidro, Rodriguez, Rizal

 

Share this article