Lily Lagro

Isang karaniwang maybahay si Nanay Lily, 46 years old, galing sa Metro Manila. Ang kanyang kabiyak na si Tatay Miguel ay Chef sa isang five-star hotel. Lima ang anak ng mag-asawa. Si Tatay Miguel ay binansagang “Mr. Tan” ng mga customer na nasisiyahan sa kanyang luto. Isang araw ay inihan ni Tatay Miguel ang siomai at dumpling sa kanyang pamilya upang maitawid ang merienda. Napagkatuwaan ng pamilya na ipakita ito sa social media. Hindi nila akalain na ganun karami ang magkaka-interes na mag-order. Ito ang naging simula ng kanilang bagong negosyo na pinangalanan nilang “Mr. Tan”. Ipinagmamalaki ni Nanay Lily na ang kanyang fried dumplings ay masustansya at puwedeng kainin kahit ng mga vegetarian dahil malaking bahagi nito ay gulay. Ang siomai naman ay 80% laman at 20% balot/harina at may kasamang hipon na nagdadagdag ng lasa. Ang mga technique na ito ay natutunan ni Tatay Miguel sa kanyang trabaho ng maraming taon bilang Chef. Sa panahon ng Covid19, malaki ang naging kabawasan sa mga order. At dahil sa walang stable na kita, nagiging problema na rin ang kakulangan ng kuryente. Patuloy pa ring itinataguyod ng mag-asawa ang kanilang siomai at dumpling business dahil naniniwala sila na matatapos din ang krisis na ito.

 

Product Price
Fried Dumpling PHP 50 (per order)
Special Siomai PHP 80 (per order)
Butchi PHP 50 (per tub)
Chicken Feet PHP 70 (per 200 grams)
Sioplet PHP 45 (per tub)

 

 

 

Contact Details: 

(0917) 675-9568

Email: mr.tan.ph2020@gmail.com

Address:

Mr. Tan Food Service
No. 6 Duhat Street, Pangarap Village, Caloocan City

Share this article