Lilibeth Molina

Si Nanay Lilibeth, 50 years old, ipinanganak sa Ormoc City, Leyte, ay marami nang dinaanang pagsubok. Maaga siyang nag-asawa at nagkaanak. Para makatulong sa kanyang kabiyak na si Tatay Jesus na isang furniture carpenter at tustusan ang pangangailan ng kanilang anak, namasukan siya bilang operator sa isang pabrika sa Meycauayan, Bulacan ng tatlong taon. Kulang ang kinikita niya kaya nakipagsapalaran siya bilang overseas worker sa Kuwait nang tatlong taon. Hindi pa rin siya nakaipon ng sapat. Pagkagaling sa Kuwait, kinumbinse niya ang kanyang asawa na pumasok sa furniture business. Lumago ang negosyo nila at patuloy na dumami ang mga order. Nasundan ang kanilang panganay ng pangalawang anak habang pinapalago nila ang negosyo.
Nahirapan ang furniture business nung pumasok na ang China Dura Box. Para madagdagan ang kita, pinasok ng mag-asawa ang computer rental business. Katulong nila ang panganay nila sa negosyong ito. Natigil ang computer rental business nang bumukod na ang kanilang panganay dahil sa kanyang trabaho sa Makati. Pinagbuti nilang muli ang furniture making at ngayon ay nairaraos nila ang kanilang mga pangangailangan.
Dahil sa Covid19, humina ang negosyo dahil hindi sila makalabas upang kumuha ng materyales at mag-deliver ng finished product. Sa kabutihang palad, nakakatulong ngayon ang isa nilang anak na nagtratrabaho sa call center. Umaasa sila na malalampasan nila ang krisis na ito sa patuloy na pagsisikap at paniwala sa sarili nilang kakayahan.
Product Price
Aparador (36 x 72 x 20) PHP 6,000 to PHP 6,500
Double Bed (48x75) PHP 7,000 to PHP 7,500
Kitchen Cabinet (24x8) PHP 10,000
Contact Details:
(0912) 838-5425
(0935) 459-0255
Email: yvettecmolina1205@gmail.com
Address:
Triple A Made to Order Furnitures
26-C Pascual Street, Meycauayan, Bualacan

Share this article