Jorie Riyego

Si Kuya Jorie ay 25 years old at naninirahan sa San Mateo, Rizal. Siya at ang asawa niyang si Ate Catlene Joyce ay may isang anak na limang buwang edad pa lamang.

Nagtapos si Kuya Jorie ng Bachelor of Science in Business Administration, Major in Marketing Management. Sinimulan niya ang kanyang negosyong desserts at pastries noong Nobyembre 2019 habang nagtratrabaho pa siya. Pagdating ng pandemya, nawalan siya ng trabaho at wala nang panggastos kaya't pinaghuhusay niya ang pagnenegosyo. Hindi pa maayos ang kanyang kalagayang pinansyal ngayon nguni't kahit paano ay nairaraos ang araw araw na pagkain.

Nais ni Kuya Jorie na maging matagumpay na dessert shop owner. Inihahambing niya ang paggawa niya ng produkto sa pag-aalaga ng isang ina - hindi tinitipid sa kailangang sangkap nguni't tamang tama lang ang timpla. Sabi niya, ang mga brownies na gawa niya ay hindi masyadong matamis at hindi nakakaumay, eksakto lang sa panlasa at siguradong malinis. Ang mga brownie bites niya ay magandang papakin habang nakatutok sa movie marathon. Ayon sa kanya, ang cookies niya ay madaling maubos dahil sa sarap.

Bago lang si Kuya Jorie sa online selling nguni't malaki ang pag-asa niya na aangat ang kanyang benta kung mas maraming tao ang makakakita at susubok ng kanyang mga produkto.

Product Price
Brownies PHP 100.00
Brownies Bites PHP 80.00
Cookies PHP 80.00

 

Contact details:

(0943) 064-9256

Email: jorieriyego01241995@gmail.com

acobgarcia01241995@gmail.com

Facebook Page:  Hash Tag Company

 Address:

24 Valerio Street, Dulong Bayan 1, San Mateo, Rizal

Link: https://www.iskaparate.com/jorie-riyego

Share this article