See Exclusive Deals for the Christmas Season!

Jophine Nery

Si Ate Jophine ay 36 years old, ipinanganak sa La Carlota, Negros Occidental nguni't kasalukuyang naninirahan sa Alabang, Muntinlupa City. Siya at ang asawa niyang si Kuya Melchor ay may tatlong anak na maliliit pa.

Nag-umpisa ang negosyo ni Ate Jophine bilang isang stress-buster nguni't naging hanapbuhay nang dumating ang pandemya. Naging interesado siya sa paggagantsilyo nang siya ay maregaluhan ng handcrafted bucket hat mula sa kanyang kaibigan para sa kanyang kaarawan. Pagsapit ng Pasko, niregaluhan din ng kaibigan niyang iyon ang kanyang anak ng crocheted bucket hat at headband. Dahil sa panimulang interes na iyon, nag-umpisa siyang mag-aral ng paggagantsilyo at nanood ng mga tutorial sa Youtube. Ang una niyang produkto ay isang bucket hat dahil malamig ang panahon noon. Ipinakita niya iyon sa Facebook at hinangaan ito ng kanyang mga kamag-anak kaya't nag-order sa kanya. Humingi siya ng tulong sa kanyang kaibigan at nagpasiya sila na maging seryoso na sa negosyo. Sa Facebook, natuklasan niya ang malaking interes ng mga tao sa crocheted products tulad ng jacket, crop top, bralette, headband at coin purse. Dahil dumadami ang mga orders, inanyayahan niya ang iba pang mga kaibigan na tumulong.

Sa kabila ng pandemya, patuloy na itinataguyod ni Ate Jophine ang kanyang negosyo. Ang kanyang motto ay "Hooking up creativity and sustainability through handcrafting with love." Sa pamamagitan ng kanyang negosyo, nais niyang matulungan ang mga "stay at home" mothers na bigyang daan ang kanilang pagkamalikhain sa paraang hindi sumisira sa kalikasan.

Product Price
Face mask Lanyards Php60.00
Alcopouch Php70.00
Coin Purse with Rectangular Clamp Php220.00
Scrunchies Php65.00
Head Band Adjustable (Plain) Php120.00
Head Band Designed Php230.00

 

Contact Details:  

(0969)0104178

Email: contact.iskaparate@gmail.com

Messenger:  iskaparate.com

Share this article