Jessa Maria Oriarte

Si Nanay Jessa Oriarte ay 36 years old, ipinanganak sa Naga City at kasalukuyang naninirahan sa Calamba City, Laguna. Ang asawa niya na si Tatay Billy ay isang overseas worker. Dalawa ang kanilang anak na parehong maliit pa.

Nag-umpisa si Nanay Jessa na magnegosyo noong kasagsagan ng pandemya. Naapektuhan ang kita ng kanyang asawa at nangamba siya na magkulang ang kanilang panggastos sa araw araw. Dahil mahilig naman siya magluto, ito ang ginawa niyang negosyo. Ginamit niyang paunang kapital ang ayuda na pinagkaloob ng pamahalaan. Tinutulungan siya ng kanyang hipag na isang teacher na kumuha ng mga order sa mga kapwa teacher, mga kaibigan, kapitbahay at kakilala. Kumukuha rin siya ng order sa mga kasama niya sa pabrikang dati niyang pinagtratrabahuan. Siya mismo ang nagdedeliver ng mga order gamit ang kanyang bisikleta. Ang mga bestseller niya ngayon ay ang cassava cake at pancit malabon. Noong mahigpit ang mga lockdown, dumami ang mga order sa kanya dahil hindi makalabas ang mga tao. Malaki ang nabawas sa mga order nang lumuwag na ang community quarantine.

Pangarap ni Nanay Jessa na magkaroon ng sariling puwesto upang maging regular na ang kanyang benta. Nais rin niya na makauwi na ang kanyang asawa mula sa ibang bansa upang mapagtulungan nila ang pagnenegosyo. Matindi ang mga pagsubok na kanyang dinadaanan nguni't patuloy siyang umaasa na magbubunga rin sa bandang huli ang kanyang pagsisikrap at pagpupunyagi.

Product Price
Spaghetti in Bilao

Php1,200 for Extra Large

Php600 for Large

Ginataang Bilo-bilo in a Tub
Php50 per tub with minimum of 10 tubs per order 
Pancit Canton Bilao 

Php1,000 for Extra Large

Php550 for Large

Carbonara in Bilao 

Php1,200 for Extra Large

Php600 for Large

Pancit Malabon Bilao Php600 for Large
Pancit Malabon in a Tub 
Php70 per tub with minimum of 15 tubs per order
Pancit Malabon Bilao Php1,200 for Extra Large
Pancit Bihon Bilao 

Php1,000 for Extra Large

Php 550 for Large

Cassave Cake  Php150 for 10x6 size
BAKEDMAC MEDIUM P600
BAKEDMAC IN A TUB
P100/TUB MINIMUM OF 10 TUB PER ORDER
Baked Mac  Php1,200 for Large

 

Contact details:

(0920) 277-5600

 

sajhioriarte@gmail.com

Facebook: Family Treats

Address:

Calamba City, Laguna

Link: https://www.iskaparate.com/jessa-maria-oriarte

Share this article