Janet Ciruelos

Si Nanay Janet Ciruelos ay 37 years old, naninirahan sa Sorsogon, at asawa ni Tatay Eddie. May apat silang anak. Dalawa ay nag-aaral, isa ang maliit pa, at ang bunso ay sanggol pa lamang.

Nag-umpisang magnegosyo si Nanay Janet noong January 2017 sa kapital na PHP 100. Bumili siya ng dalawampung pantalon na ukay ukay sa halagang PHP 5 bawa't isa at ginawa niya itong shorts para mas madaling mabili. Naibenta niya ang bawa't pares ng shorts sa halagang PHP 20. Ang mga laylayan naman ay tinahi niya upang makagawa ng foot rug. Ibinenta niya ang mga ito sa bangketa. Naging mabenta at madaling maubos ang mga produkto niya kaya nakaipon siya at nakabili ng bulto. Dumami nang dumami ang binibili niyang pantalon para gawing shorts. Ngayon ay may sarili na siyang ukay ukay store nguni't tinutuloy pa rin niya ang pananahi ng doormat, foot rug, pot holder, apron, face mask, eco bag, wallet at kung anu ano pa na hinahanap ng mga customer. Ang mga produkto niya ay matibay at puwedeng customized ang design at sukat.

Malaki ang epekto ng pandemya kay Nanay Janet dahil ang mga tao ay hindi makalabas at natatakot bumili ng ukay ukay dahil baka may Covid19. Nguni't kahit nahinto ang ukay ukay, tuloy pa rin ang kaniyang pananahi dahil malakas ang demand sa face mask. Pati ang kanyang tindera sa ukay ukay ay naturuan na niyang manahi ng face mask upang matugunan nila ang maraming order ng mga tao at kumpanya.

Product Price
Ecobag Plain Php 70 to Php 140 ayon sa size
Ecobag with Print Php 90 to Php 160 ayon sa size
Wallet, Coin Purse at Pencil Case Php 10 to Php 35

 

Contact Details:

(0920) 238-3257

Email: jds1283@gmail.com

Address:

Central Magallanes, Sorsogon

Link: https://www.iskaparate.com/janet-ciruelos

 

Share this article