Irene Galing

Si Nanay Irene ay 39 years old, tubong Gandara, Samar, at bunso sa limang anak ng mga magsasaka. Siya at ang kanyang partner na si Tatay Joel ay may dalawang anak na pawang nasa grade school pa.

Nagsimula ang negosyo ni Nanay Irene noong 2012 bilang sari sari store. Sa kalaunan ay nagkaroon din siya ng LPG outlet. Katuwang niya si Tatay Joel sa negosyo at mayroon din silang isang empleyado na nagde-deliver ng mga produkto. Tinitiyak ni Nanay Irene na maganda ang kalidad ng kanilang mga produkto, tama ang timbang at maayos ang kalagayan. Malaki ang naitulong sa kanya ng kooperatibang Kasagana-Ka upang palaguhin ang kanyang negosyo.

Malaki ang naging pagbabago sa kabuhayan ni Nanay Irene nang dumating ang pandemya. Naging matamlay ang karamihan ng negosyo dahil sa lockdown nguni't hindi pa rin siya sumuko at patuloy na naghanap ng mga paraan para madagdagan ang kanyang kita. Ngayon ay unti unti nang nakakabawi ang kanyang LPG business at umaasa siyang magpapatuloy ang ganitong takbo ng negosyo.

Pangarap ni Nanay Irene na madagdagan pa ang kanyang mga paninda, makabili ng isang sasakyan para pang-deliver ng mga produkto at lalo pang lumago ang kanyang negosyo upang makatulong siya sa ibang pamilya.​

Product Price
S-Gas Php780
P&G-Gas Php 780
M-Gas Php600.00
Super Kalan Php250.00
New Tank with Content Php 2,700
Super Kalan Burner Php 550
Super Kalan Set Php 1,700
Regulator 40x40 Php 300
Hose 240 x 240 Php 300

 

Contact number:

(0946) 394-5049

 

Email:

irenegaling@gmail.com

Facebook: Xhian Gaz | Facebook

Address:

B2 L26 Gawaranville Molino 7 Bacoor Cavite

Link: https://www.iskaparate.com/irene-galing

Share this article