See Exclusive Deals for the Christmas Season!

Honey Ann Alamo

Mula pa noong bata siya, nakahiligan na ni Nanay Honey Ann ang paggawa ng cake at tinapay dahil sa impluwensiya ng kanyang nanay na isang home economics teacher. Noon pa man ay pinangarap na niya na magkaroon ng ganitong negosyo. Ipinanganak siya sa Ormoc City, Leyte nguni’t kasalukuyang naninirahan at naghahanapbuhay sa Tanza, Cavite. Siya at ang kanyang kabiyak na si Joseph ay may limang anak. Labinlimang taon nagtrabaho si Joseph sa abroad para maitaguyod ang pag-aaral ng kanilang mga anak. Tatlo pa ang nag-aaral ngayon. Sa kagustuhang mapauwi ang kanyang asawa, itinayo ni Nanay Honey Ann ang kanyang negosyo pitong taon na ang nakakaraan. Hindi niya akalain na ito ay lalago at tatangkilikin ng marami. Unti unti siyang nagpundar ng mga gamit at patuloy siyang nagsanay sa TESDA upang lalong gumaling sa kanyang ginagawa. Ngayon ay madalas siyang maanyayahan na magsalita sa mga ibang Nanay upang maibahagi ang kanyang kaalaman at maging inspirasyon sa kanila.

Ang garantiya ni Nanay Honey Ann ay masarap lahat ng kanyang produkto dahil hindi tinipid sa sangkap at puspos ng pagmamahal. Bukod dito, affordable ang kanyang presyo.

Nabawasan ang benta ni Nanay Honey Ann sa panahon ng Covid19 nguni’t nakatulong nang malaki ang online selling para magpatuloy ang kanyang negosyo.

Product Price
Puto Cheese Php 500 for 100 pieces
Kutsinta Php 500 for 100 pieces
Puto Pao Php 1,000 for 100 pieces
Tart Php 50 for 10 pieces per pack
Macaroons Php 50 for 15 pieces per pack
Cake
Php 650 - Php 2,500 depende sa size

 

Contact number: 

(0918) 554-8010

(0935) 711-8011

Email:

honeyannalamo06@yahoo.com

Address : 1054 Sampalukan Street, Barangay Biwas, Tanza, Cavite

Share this article