Find the perfect gift for your loved ones this Valentines!

Helalyn Egos

Si Nanay Helalyn ay 45 years old, naninirahan sa Pasig City, at asawa ni Tatay Aurelio. May apat silang anak. Dalawa sa kanilang mga anak ay nagtapos na samantalang dalawa ang kasalukuyan pang nag-aaral.

Sinimulan ni Nanay Helalyn ang kanyang negosyo noong September 2009. Gumawa siya ng tsinelas at ginamit niya ito upang masubukan. Dahil maganda ang naging pakiramdam niya sa tsinelas, inumpisahan niyang gumawa ng marami para ibenta. Naging patok naman ito sa mga mamimili kaya't binuhusan na niya ng sipag at atensyon. Ang mga customer niya ay nasa iba't ibang bahagi ng Metro Manila at mga karatig na lugar. May mga order din siyang natatanggap sa pamamagitan ng Facebook at iba pang online platform. Sa ngayon ay umaasa siyang darami pa ang kanyang mapagdadalhan ng tsinelas. Ayon kay Nanay Helalyn, ang mga tsinelas na gawa niya ay magaan sa paa, matibay at affordable.

Nang dumating ang Covid19, malaki ang nabawas sa benta ni Nanay Helalyn dahil hindi makalabas ang mga customer at hindi rin siya makapag-deliver. Noon niya napagtanto na importante ang online selling upang marami ang makapansin sa kanyang produkto kahit limitado ang paglabas ng mga tao. Ngayon ay unti unti na siyang nakakabawi at bumabalik na naman ang mga order.

 

Product Price
Slippers (Unisex) Php 150

 

Contact Details:

(0955) 634-8649

(0938) 362-4602

Email: helalynegos@gmail.com

Address:

Block 7, Donaville Compound, Nagpayong II
Pinagbuhatan, Pasig City

Share this article