Gelin Gula

Si Nanay Gelin Gula ay 57 years old, panglima sa sampung magkakapatid mula sa Matalom, Leyte, Magsasaka ang kanyang mga magulang. Nakatapos siya ng isang vocational course sa dress making, isang kasanayan na kanyang pinakinabangan nang husto sa pagpapaaral ng apat na anak nila ni Tatay Rodolfo. Lahat ng kanilang mga anak ay nakarating sa kolehiyo at nakapagtapos ng kapaki-pakinabang na kurso.

Dating namasukan si Nanay Gelin sa isang garments company at doon niya nakilala si Tatay Rodolfo na noon ay nagtratrabaho bilang ahente ng mga damit upang matustusan ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Nang sila ay magkaroon na ng anak, nagsimula silang magnegosyo. Nagsimula sila sa pananahi ng mga palda na ibinebenta nila sa isang malaking department store. Nang kalaunan ay humina ang department store at napilitan ang mag-asawa na lumipat sa palengke. Bumili sila ng mga high-speed na makina at edging machines. Dahil dito, nakagawa na rin ng ibang produkto tulad ng mga shorts, backpack, body bags, sombrero at katsa na bilog.

Hindi naging madali para sa mag-asawa ang pagpapalago ng kanilang negosyo lalo na noong sila ay gumagawa pa ng mga knitted na gwantes at marami silang tauhan. Isang malaking problema ang pakikitungo sa maraming manggagawa ng patahian dahil sa iba't ibang ugali ng mga ito. Nakaranas din ang mag-asawa ng mga panahong wala nang natitira sa kanila pagkatapos magpasuweldo ng mga manggagawa. Bukod dito, nagkaroon din ng mga pagkakataon na sila ay tinakbuhan ng mga umutang at ninakawan ng produkto. Nguni't hindi pa rin tumigil si Nanay Gelin sa pag-iisip ng iba't ibang pagkakakitaan. Nagtayo din siya ng sari sari store bukod sa kanyang patahian.

Nang dumating ang pandemya, nagkaroon ng oportunidad ang mag-asawa na tugunan ang malawakang kakulangan ng mga face mask. Malaking bahagi ng negosyo nila ngayon ang face mask. Malakas ang pangangailan nito nguni't umiigting na rin ang kompetisyon dahil sa mga importer. Nakatutok ngayon ang mag-asawang Gelin at Rodolfo sa paggawa ng face mask upang makakuha ng disenting market share sa kabila ng pagdagsa ng imported masks. Breathable at garterized sa tenga ang mga face mask nila at maraming disenyo. Bukod dito, tumutugon ang kanilang produkto sa mga panuntuan ng mga health authorities. Dumating man ang araw na tuluyan nang lumisan ang Covid19 virus, nakahanda pa rin ang mag-asawa na makipagsabayan sa mga ibang garments producer dahil napatunayan nila na marunong silang umangkop sa mga hinihingi ng panahon.

Product Price
Backpack Php350
Pouch Bag Php 35
Body Bag Canvass Php 90
Tote Bag Php 100
Facemask (3 ply Cotton) Php 15
Washable Facemask Php 15
Eco Bag Php 65
Handbag Php 65

 

Contact number:

(0965) 940-5116​

(0916) 443-7906

Email: 

gelingula@gmail.com

gelinsgarments@gmail.com

Facebook Page:  Gelin's Garments and Online Store

Address:

Blk 25 Lot 9 Nv4A Lambakin, Marilao Bulacan

Link: https://www.iskaparate.com/gelin-gula

 

Share this article