Galadea Sepeda

Delicious Baked Products ni Nanay Gay

Si Nanay Gay ay 50 years old, naninirahan sa Dasmarinas, Cavite, at asawa ni Tatay Bernardo. Tatlo ang kanilang anak. Dalawa ang may sarili nang hanapbuhay habang ang isa ay nag-aaral pa.

Itinayo ng pamilya ni Nanay Gay ang Gay Bakes noong July 2020. Natuto si Nanay Gay ng pag-bake sa isang workshop ng TESDA at ngayon ay ginagamit niya ang kanyang natutuhan upang gumawa ng mga iba't ibang uri ng banana loaf, mango loaf, carrot at carrot loaf na may malulusog na sangkap at palaging sariwa. Sabi niya, ang mga produkto ng Gay Bakes ay homemade, abot-kaya ang presyo, at "made with love", Karamihan ng mga customer niya ay nasa Dasmarinas, Cavite nguni't dumarami na rin ang mga taga Metro Manila na umoorder sa kanya.

Dahil sa lockdown, nag-aatubili ang ilang customer ni Nanay Gay sa Metro Manila na umorder dahil hindi madali para sa kanya ang mag-deliver dahil sa kakulangan ng delivery vehicle. Walang sariling kotse o motorsiklo ang pamilya. Sa kabila nito, pursigido si Nanay Gay na palaguin ang kanyang negosyo dahil alam niyang matatapos din ang Covid19 crisis at kailangang nakahanda siya sa pagbalik ng demand mula sa mga customer na muling makakagala nang malaya.

 

Product Price
Plain Banana Loaf Bread Php 200.00
Plain Mango Loaf Bread Php 200.00
Mango-Banana Loaf Bread Php 220
Choco-Banana Loaf Bread Php 220
Choco-Mango Loaf Bread Php 220
Plain Carrot Loaf Bread Php 200

 

Contact number: 

(0917) 551-7540

Email: gaybakes2020@gmail.com

Facebook: Gay Bakes

Address:

Block 60, Lot 1, Barangay Santo Cristo Ddb-1, Cavite

Link: https://www.iskaparate.com/galadea-sepeda

 

Share this article