Evelyn Espero

Si Nanay Evelyn Espero ay 40 years old, ipinanganak sa Mandaluyong City nguni't kasalukuyang naninirahan at naghahanapbuhay sa Antipolo City. Pang anim siya sa pitong magkakapatid na nakapag-aral siya ng business administration sa kolehiyo bagama't hindi natapos. Ang asawa niya na si Tatay Alvin ay checker sa isang shipping company. May tatlo silang anak na pawang nag-aaral pa. Nagtrabaho si Nanay Evelyn nang maraming taon sa iba't ibang kumpanya nguni't alam niyang ayaw niyang mamasukan habangbuhay. Noong 2014, nagpasiya siyang magsimula ng negosyo. Bumili siya ng isang makina at nanahi ng garments. Ngayon ay 12 na ang kanyang makina dahil sa tulong ng Kasagana Ka Credit and Savings Cooperative (K-Coop) at may mga palagian na ring mananahi. Marami siyang customer online at walk-in sa kanyang puwesto sa palengke. Nagdaan si Nanay Evelyn sa maraming pagsubok, lalo na nung iniwan siya ng mga ilang mananahi dahil naghangad sila ng mas malaking kita. Sa mga pagkakataong iyon, sinalo siya ng kanyang asawa at mga anak na siyang tumulong manahi. Maingat niyiang pinangangalagaan ang kalidad ng kanyang mga produkto upang mapanatili niya ang kanyang mga suki. Sa kabila ng pandemya, maayos ang takbo ng negosyo ni Nanay Evelyn at patuloy pa rin ang mga natatanggap niyang subcontracting orders

 

Product Price
Terno (Large) Php 120
Terno Sleeves Php 70
Terno Tokong (Medium) Php 70
Men's Sando Php 50
Terno (T-Shirt and Shorts) Php 100
Terno for Kids ( 1 to 2 years old) Php 35
Terno for Kids ( 3 to 5 years old) Php 50
Muscletee Php 50
Shorts for Kids Php 35 - Php 50 per kilo
Combi for Kids Php 50
Couple Shorts Php 140
Ladies Tapelace Php 50
Terno with Sleeves Php 90
Dry Fit Shorts (Large) Php 90
Cotton Terry Brass Shorts Php 90
Shirt, Short and Pajama (3 in 1) for Kids Php 150

  

Contact Details:  

(0943) 462-3890

Email: evelynespero325@gmail.com

Address:

Leviste Ville Compound, Brgy. San Roque, Antipolo City

Link: https://www.iskaparate.com/evelyn-espero

Share this article