Esmeraldo (Norma) Lejano

Taong 1993 nagsimula ang negosyo ng mag-asawang Tatay Esmeraldo and Nanay Norma nguni't dahil hindi pa malakas ang kita, nagpasya si Tatay Esmeraldo na makipagsapalaran muna sa ibang bansa. Limang taon siyang naging overseas worker upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya at makaipon ng kapital. Nang bumalik siya sa Pilipinas, muling pinagyaman ng mag-asawa ang kanilang negosyo. Nakatulong nang malaki ang natamong karanasan at skills ni Tatay Esmeraldo sa ibang bansa sa paggawa at pag-install ng mga cabinet, sliding window, at kung anu-ano pa. Naging mahusay ang takbo ng kanilang negosyo at nagkaroon sila ng mga customer sa iba't ibang lugar tulad ng Cavite, Baguio, Bataan at Metro Manila. Ang madalas na pinapagawa sa kanila ay mga food cart, kitchen cabinet, wardrobe closet, computer tables at office partition. Ang pinakamalaking panlaban ng mag-asawa sa kompetisyon ay ang pulido, matibay at dekalidad na gawa bukod sa maganda at makabagong disenyo. Sa ngayon ay may apat silang tauhan kabilang na ang kanilang anak na lalaki na tumutulong maghanap ng bagong customer sa pamamagitan ng Facebook Page. Malaking tulong ang online selling sa panahon ng pandemya dahil napapabilis ang mga transaksyon at mas malawak ang nararating na market.

Nalampasan ng mag-asawa ang mga matinding pagsubok na dala ng Covid19 katulad ng limitasyon sa pagbiyahe at pakikipag-usap sa mga customer. Ngayon ay bumabalik na ang sigla ng kanilang negosyo at umaasa sila na lalo pa itong lalakas kapag bumalik na sa normal ang buhay ng mga tao.

 

Service Price
Installation of Wardrobe Cabinet Price varies depending on the size of the cabinet
Installation of Kitchen Cabinet Price varies depending on the size of the cabinet

 

Contact number:

(0923) 557-5760, (0936) 113-9665

Email: lejanojet@gmail.com

Facbook: E. S. Lejano Aluminum and Glass Contractor/Installer

Address:

 261 Ilang Ilang Street, Brgy. Bancal, Meycauayan, Bulacan

Link: https://www.iskaparate.com/esmeraldo-norma-lejano-services

Share this article