Find the perfect gift for your loved ones this Valentines!

Enriqueta Navarro

Si Nanay Enriqueta ay 63 years old, biyuda at naninirahan sa Tanza, Cavite. Tatlo ang kanyang anak at lahat sila ay may sarili nang hanapbuhay.

Itinatag ni Nanay Enriqueta ang kanyang negosyo noong 2010 upang maitaguyod ang kanyang pamilya. Dahil sa negosyong ito, nakabili siya ng sariling bahay at natustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan. Isang kilong harina ang pang-unang kapital niya sa negosyo at sa pamamagitan ng sipag at tiyaga ay napalago niya ito. Ayon kay Nanay Enriqueta, ang kanyang mga produkto ay orihinal at walang katulad sa lasa, pasok sa panlasa ng matanda o bata, at tunay na masarap.

Maraming pagsubok na dinaanan si Nanay Enriqueta. Nagkaroon ng panahon na bumagsak ang kanyang negosyo at nabaon siya sa utang nguni't hindi siya nagpatalo sa mga hamon na ito at pinagsikapan niyang makabangon. Sa ngayon ay nakakabawi na siya sa kabila ng pandemya. Naniniwala siya na lahat ng suliranin sa buhay ay nagdudulot ng aral na lalong magpapabuti sa diskarte sa buhay.

Product Price
Empanada Php150.00 for 10 pieces
Empanada Php10.00 per piece
Embutido Php10.00
Butchi Php200.00 for 30 pieces
Butchi Php10.00 for 3 pieces
Palabok (Medium) Php350.00
Palabok (Large) Php700.00
Pizza Php70.00
Pancit Bilao (Medium) Php400.00
Pancit Bilao (Large) Php600.00

 

Contact Details: 

(0919) 298-3870

Email: valdez06beth@gmail. com

Facebook: Enriqueta Valdez Navarro

Address:

B1 P1 S4 L15, Belvedere Paradahan
Tanza Cavite

 

Share this article