Emma Garcia

Si Nanay Emma ay 62 years old, solo parent, at may limang anak. Siya ay naninirahan at naghahanapbuhay sa San Isidro Poblacion, Tinambac, Camarines Sur.

Kinamulatan na ni Nanay Emma sa kanyang ina ang paggawa ng pili sweets. Kinalaunan ay natuto na rin siyang gumawa nito. Nguni't hindi siya tumigil sa isang produkto lamang. Sa patuloy na pagdalo sa mga training program at walang tigil na research, nakagawa siya ng mga improvements at innovations sa mga produkto ng kanyang ina. Sinamantala niya ang pagdating ng bagong teknolohiya upang palawakin ang kanyang kaalaman sa paggawa ng processed food hanggang sa magkaroon na siya ng sariling market. Ang kanyang sweet chili sauce ay abot-kaya ang presyo, homemade at garantisadong masarap. Ang kanyang cucumber chips ay kakaiba at malutong. Maganda sa kalusugan dahil puro at walang sugar ang kanyang mga ginger brew at tea products. Bagaman karaniwan na sa kanyang lalawigan ang pili nuts, tinitiyak niyang palaging sariwa ang kanyang pili products. Puro, organic at clear ang kanyang virgin coconut oil. Ang kanya namang pickled papaya at pickled cucumber ay masarap na pampagana.

Kahit naging mahirap ang hanapbuhay para sa lahat sa panahon ng Covid19, patuloy pa ring nagsisikap si Nanay Emma na palaguin ang kanyang negosyo upang maitaugyod niya ang pangangailangan ng kanyang limang anak.

Product Price
Organic Tea Pack of 12 ₱100.00
Sweet Chili Sauce ₱150.00
Cucumber Chips/ Squash Chips ₱75.00
Turmeric-Ginger Brew ₱250.00
Virgin Coconut Oil ₱200.00
Pili Sweets Coated ₱250.00
Pili Roasted ₱300.00
Pili Crispy ₱250.00
Pickled Papaya ₱100.00

 

 

Contact number: (0933) 820-8545

Email: maemsgarcia@gmail.com

Address:

San Isidro Poblacion, Tinambac, Camarines Sur

Link: https://www.iskaparate.com/emma-garcia

Share this article