Emerenciana Manalo

Si Nanay Emerenciana na kilala sa palayaw na Emie ay isang ginang na 55 anyos mula sa Porac, Pampanga kung saan sya lumaki at nakapagtapos ng pag-aaral. Sa kasalukuyan, sila ng kanyang asawa, si Tatay Jose Carlo, at apat na mga anak ay naninirahan sa Batasan Hills, Quezon City. Bagama’t ang mga kapatid ni Nanay Emie ay may magandang buhay dahil lahat sila ay nakapagtapos ng kolehiyo at nakapasok sa mga malalaking kumpanya, hindi naging madali ang buhay ni Nanay Emie nang sya’y nakapag-asawa at nagkapamilya na. Sinikap niya at ng kanyang asawa na itaguyod ang kanilang pamilya sa sarili nilang sikap at tiyaga. Namasukan din si Nanay Emie sa iba’t ibang kumpanya bilang sales at accounting clerk ngunit nang lumalaki na ang kanilang pamilya, namalagi na siya sa bahay upang alagaan at palakihin ang kanilang apat na anak. Sumubok din siya mag direct selling upang makatulong sa kanyang kabiyak. Nang mag pandemya at nasara ang maramin kumpanya, may isang sewer at sewing supervisor ang lumapit at nagmungkahi kay Nanay Emie na magtayo ng sewing business. Bagamat wala siyang kasanayan sa ganitong hanapbuhay, tinanggap niya ang hamon na ito upang makatulong sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Sa tulong ng mga magagaling niyang manggagawa ay naitayo ni Nanay Emie ang kanyang patahian. Mahirap man ang estado ng ekonomiya ngayon umaasa pa rin si Nanay Emie na makakabangon ang lahat. Puno ng pag-asa at pananalig sa Maykapal, patuloy na nagsusumikap si Nanay Emie na mapalago ang kanyang negosyo.

 

 

 

Product Price
Facemasks Retail price (1-9 pcs.) Php 50.00
Facemasks Wholesale price (10 pcs. & up) Php 40.00
Children’s dress simple labor Small, Medium & Large size Php 85.00
Children’s dress simple labor XL, XXL & XXXL Php 95.00
Adult blouse Php 150.00
T-shirt adult (minimum 50 pcs.)
Php 200.00 and up
Round neck Php 37.00
V-neck Php 47.00
With Collar Php 72.00
Jacket with lining Php 410.00
Jacket without lining Php 270.00
Sweat shirt Php 260.00
Jogging pants Php 35.00
Pajama Php 35.00
ECO Bag Small & medium Php 20.00
ECO Bag Large Php 25.00
ECO Bag XL Php 30.00

 

Contact Details:

(0923) 619-4180​ / (0956) 209-4047 / (0908) 609-8922

Email: emiemanalo@yahoo.com

Facebook: Kingvesture Sewing Garments

Address:

2000 De Gloria Extension, Area B, Talanay
Batasan Hills, Quezon City

 

Share this article