Eleonor Santos

Si Nanay Eleonor ay 51 years old at laking Nueva Ecija nguni’t kasalukuyang naninirahan at naghahanapbuhay sa Sta. Ana, Bulacan, Bulacan. Pagtitinda ng almusal sa harap ng kanilang tahanan ang una niyang naging negosyo. Construction worker ang asawa niya na si Ernesto at may tatlo silang anak. Apat na taon na ang nakakaraan nang magpasya si Nanay Eleonor na pasukin ang pananahi ng customized dental chair cover sa payo ng kanyang kapatid na negosyante rin. Lahat ng kanyang produkto ay tinatahi niya sa bahay at customized para sa pangangailangan at panlasa ng dentista. Marami sa kanyang mga customer ay nakilala niya sa isang Facebook Dental Community kung saan siya ay kasapi. Humina ang takbo ng kanyang negosyo dahil sa mga mahigpit na lockdown ngayong panahon ng Covid19. Malaking problema ang pagpunta sa Divisoria para bumili ng raw materials para tugunan ang mga order sa kanya. Hindi nawawalan ng pag-asa si Nanay Eleonor at pinipilit niyang gumawa ng paraan upang hindi matigil nang tuluyan ang kanyang hanapbuhay

 

Product Price
Dental Chair Cover Php750.00
Dental Chair Unit Php179,000.00

 

 

Contact Details:

(0919) 741-8433

Email: eleonorsantos62@gmail.com

Address: 

Sta. Ana, Bulacan 

Link: www.iskaparate.com/eleonor-santos

Share this article