Eleonor Bambao

Si Nanay Eleonor Bambao ay 50 years old, tubong Pasay City nguni't kasalukuyang naninirahan sa San Pedro, kasama ang kanyang asawa na si Tatay Pablito at ang knailang siyam na anak. Lumaki si Nanay Eleonor sa isang middle class na pamilya. Ang kanyang ama ay seaman at ang kanyang ina ay isang businesswoman. Pangalawa siya sa tatlong magkakapatid.

Nagtapos si Nanay Eleonor ng kursong Bachelor of Science in Education at nagtrabaho bilang guro nang mahigit na dalawang taon. Nakapag-asawa siya sa edad na 21 at upang makatulog kay Tatay Pablito na isang company driver, pinasok niya ang iba'it ibang part-time na hanapbuhay tulad ng sales marketing para sa isang paaralan, pag-eendorso ng scholarship sa Department of Education, at pag-aahente ng subdivision. Maaga niyang natutuhan na kahit mayroon kang magulang na matatakbuhan sa oras ng pangangailangan ay dapat magsikap na tumayo sa sariling mga paa.

Noong 2018, nagsimula si Nanay Eleonor na magnegosyo. Mantika at itlog ang mga una niyang produkto. Doon niya nabatid ang kahalagahan ng masusing pag-aaral upang maunawaan ang mga suliraning dulot ng kanyang negosyo. Halimbawa, natutuhan niya sa pangangalakal ng itlog na kapag manipis ang shell ay madaling mabulok ito. Natutuhan naman niya sa pangangalakal ng mantika na may mga panahon na tumataas ang presyo nito kaya't dapat paghandaan at samantalahin ang pagkakataon kapag dumarating ito. Kung kinakailangan na ikaw mismo ang magtakal at maglinis ng bote ay dapat gawin mo ito upang hindi ka malampasan ng oportunidad.

Nang dumating ang pandemya, nahirapan si Nanay Eleonor sa pag-deliver ng mga produkto dahil maaga nagsasara ang mga tindahan at maraming quarantine pass na kailangan. Naisip niya na pasukin ang negosyo ng palaman (spread) at ibenta ito online. Pinagtulungan ng buong pamilya ang pagbebenta online at naging matagumpay naman ito. Sa ngayon ay maayos ang takbo ng kanyang negosyo dahil katuwang niya ang kanyang asawa at mga anak. Pangarap ni Nanay Eleonor na lumago ang kanyang hanapbuhay at magkaroon ng maraming branches ang kanyang tindahan.

Product Product
Cheezwhiz Php 160.00
Choco peanut Php 160.00
Chocolate plain Php 160.00
Cookies and Cream Php 160.00
Mayonnaise Real Php 160.00
Double Dutch spread Php 160.00
Bacon spread Php 150.00
Ham spread Php 150.00
Tuna Spread Php 150.00
Chicken Spread Php 150.00
Peanut Butter Php 135.00
Palm oil

Php 215.00 for 12 bottles

Php18 per bottle

Coconut Oil

Php 240.00  for 12 bottles

Php 20 per bottle

 

Contact Details:

(0932) 289-2884 / (0921) 457-1488 / (0975) 295-6791

Email:

eleonorbambao@gmail.com

preciouseuniceb@gmail.com

Address:

469-C Lower Quezon Street San Antonio, San Pedro, Laguna

Link:

https://www.iskaparate.com/eleonor-bambao

 

Share this article