Dolly Madrilejos

Si Nanay Dolly Madrilejos ay 34 years old, ipinanganak at kasalukuyang naninirahan sa San Jose Del Monte City, Bulacan at asawa ni Tatay Fernando na isang call center agent. May isa siyang anak na nag-aaral pa.

Dating overseas worker si Nanay Dolly sa Middle East. Bumalik siya sa Pilipinas noong 2014 nang walang masyadong naipon dahil pinapadala niya halos lahat ng kita para sa pag-aaral ng kanyang anak. Para matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya, nagtinda si Nanay Dolly ng kikiam at fishball sa labas ng kanilang bahay. Marami namang tumangkilik sa kanyang produkto. Kalaunan ay nag-isip siya ng iba pang paninda upang hindi magsawa ang kanyang mga suki. Dumami ang mga putahe na kanyang niluluto at nadagdagan din naman ang mga customer na bumibili sa kanya dahil abot-kaya ang kanyang presyo.

Nakatulong nang malaki kay Nanay Dolly ang online selling lalo na sa panahon ng pandemya dahil pagkain ang pangunahing pangangailangan ng bawa't pamilya. Ang pangarap niya ay magkaroon ng mas malaking puhunan upang matugunan niya ang mas maraming order at lalong mapalago ang kanyang negosyo. ​

Product Price
Palitaw (3pcs) Php20
Dinuguan Ulam Php50
Baka Afritada Ulam Php60
Tortang Alamang Php25
Puto Bilao Php360
Tortang Talong Php25
Bopis Php50
Laing Php35

 

Contact Number:

(0967) 704-4869

Email: dolly.mags0308@gmail.com

Facebook: Athena's Oneshop

Address: 

Block 3, Lot 2, Sakap 1 Minuyan 4 San Jose Del Monte City, Bulacan

Link: https://www.iskaparate.com/dolly-madrilejos

Share this article