Diana Tilan

Si Nanay Diana ay 48 years old, ipinanganak sa Misamis Oriental nguni't kasalukuyang naninirahan sa Payatas, Quezon City. Pangwalo siya sa siyam na magkakapatid. at parehong magsasaka ang kanyang mga magulang. Namulat siya sa pamilyang salat sa buhay kaya't nang siya ay magdalaga ay nakipagsapalaran siya sa Maynila. Dito niya nakilala ang kanyang asawa na si Tatay Atelano, isang house painter. May tatlo silang anak, isa ang nahinto sa pag-aaral at dalawa ang kasalukuyang nasa paaralan pa.

Nagsimulang magnegosyo si Nanay Diana noong 2009 upang makatulong sa kanyang asawa. Ipinagmamalaki niya ang kanyang produktong doormats dahil gawa sa purong cotton, makapal at siksik ang pagkakatahi. Maayos na sana ang takbo ng kanyang hanapbuhay nguni't nang dumating ang pandemya ay nagkaubusan ng materyales at naging mahirap ang transportasyon. Bukod dito, ang trabaho ni Tatay Atelano ay naging tatlong araw na lamang sa isang linggo kaya't malaki ang nabawas sa kita ng pamilya. Unti unting naubos ang maliit niiyang kapital nguni't tinulungan siyang makabangong muli ng Kasagana Ka Credit and Savings Cooperative (K-Coop). Nang magkaroon ulit ng biyahe, binalikan ni Nanay Diana ng may ibayong sigla ang paggawa ng doormats dahil naging available na ulit ang tela at nakakalabas na siya ng bahay. Kahit maraming hamon ang hinaharap niya sa buhay, nangangarap pa rin si Nanay Diana na mapalago ang kanyang negosyo upang patuloy niyang maitaguyod ang pag-aaral ng kanyang mga anak.

Product Price
Doormat Plain (Medium) Php 30.00
Doormat Plain (Small) Php 20
Doormat Rumble (Medium) Php 20
Doormat Rumble (Small) Php 17

 

Contact Details:

(0955) 469-2173

Email: darlenetilan@gmail.com

Address: 

139 Daisy Street, Payatas A, Commonwealth, Quezon City

Link: https://www.iskaparate.com/diana-tilan

Share this article