Desiree Nicolas

 Si Nanay Desiree at 48 years old, may asawa at pitong anak. Tatlo pa sa kanyang mga anak ang nag-aaral. Ang asawa niya na si Tatay Robert ay dating mananahi sa isang kumpanya. Noong 2002, bumili sila ng sariling makina at nag-umpisa ng kanilang negosyo. Simpleng damit ang una nilang produkto hanggang matutuhan din nilang manahi ng upuan, kurtina, gown at iba pa. Idinagdag din nila sa kanilang product lines ang upholstery, paggawa ng mga sofa, upuan ng mga sasakyan, at blinds. Pagdating ng pandemic, pinasok na rin nila ang produksyon ng face mask at face shield. Karamihan ng kanilang mga customer ay galing sa Manila, Pampanga, at mga bayan ng Bulacan tulad ng San Rafael at Baliuag. Mayroon din silang natatanggap na order sa mga taga ibang bansa.

Sa nakaraang 15 years ng kanilang negosyo, nakilala ang mga produkto ng mag-asawang Desiree at Robert sa tibay, kapal ng telang ginagamit, at pulidong tahi.

Sa kabila ng matumal na negosyo sa panahon ng pandemic, pinagsisikapan pa rin ng mag-asawa na itaguyod ang kanilang hanapbuhay sa pamamagitan ng online selling.

Product Price
Blinds (48x48) Php 1,920
Sofa Upholstery Php 4,000 - Php 8,000
Seat Cover Php 4,000

 

Contact number: 

(0923) 232-7307 / (0915) 018-8852

Address: 0197 Tiaong Abraham Street Baliuang, Bulacan

Link: https://www.iskaparate.com/desiree-nicolas

Share this article