Delia M. Maniago

Si Nanay Delia ay 52 years old, asawa ni Tatay Joel, at may dalawang anak na parehong nag-aaral pa. Ang pagpasok nila sa negosyo ay di sinasadya. Si Tatay Joel ay isang seaman na hindi makabalik sa barko dahil nawalan ng biyahe sanhi ng Covid19. Isang araw, may kaibigan sila na nagpaturo kay Tatay Joel magluto ng kakanin. Dahil magluluto rin lang naman si Tatay Joel, tinawagan ni Nanay Delia ang mga kamag-anak at kapitbahay para kumbinsihin sila na mag-order. Nakakuha siya ng 28 order ng small box. Nagustuhan ng mga umorder ang luto ng mag-asawa at may nagprisinta pa na maging reseller. Ganoon nagsimula ang Apung Cila's Timeless Kakanin. Ipinangalan ang negosyo nila sa nanay ni Tatay Joel na kilala sa buong barangay nila na mahusay magluto ng kakanin. Ngayon ay may lima na silang reseller at umaabot sa 100 llanera ang kanilang ginagawa tuwing Linggo. Ipinagmamalaki ni Nanay Delia na puro sariwang sangkap lamang ang kanilang ginagamit at hindi nila ito tinitipid. Palaging bagong gawa ang kanilang ibinebenta at abot-kaya ang presyo.

Sa kasalukuyan, umaasa sila sa kanilang negosyo para matustusan ang mga pangangailan nila sa araw araw. Umaasa sila na sa tulong ng kanilang mga reseller, patuloy nilang mapapalago ang kanilang hanapbuhay sa kabila ng mga restrictions ng Covid19.

Product Price
cassava cake Php 70 small box/ pack
rice cake Php 200 small tray / box 6x9x2
rice cake Php 300 big tray / box 9x9x2
rice cake Php 60 small box/pack
cassava cake Php 250 - 7x10x2

 

Contact number: (0939) 725-5942

Email: delmaniago@yahoo.com.ph

Facebook: Apung Cila's Timeless Kakanin

Address:

Block 49, Lot 57, Phase 1 Fiesta Communities Sabanilla, Mexico Pampanga

Link: https://www.iskaparate.com/delia-maniago

 

Share this article

Liquid error: Could not find asset snippets/preorder-now.liquid