See Exclusive Deals for the Christmas Season!

Daisy Joy Guevara

Si Nanay Daisy Joy Guevara na tumutugon sa palayaw na Jing ay isang ina na may apat na anak- isang babae at tatlong lalaki. Lahat sila ay nag- aaral na at dalawa dito ay nasa high school. Siya ay isang full-time wife, mom, at counselor sa isang paaralan. Isa rin siyang part-time na negosyante. Tumutulong siya sa kanyang asawa na si Tatay Eric upang magpatakbo ng isang maliit na negosyo para sa lumalaking pangangailangan ng pamilya. October 2019 nang magpasya silang magbukas ng milk tea shop. Naitayo ito sa pamamagitan ng bank loan. Masaya sila na naging lugar ito ng mga mag-aaral, magkakaibigan, at mga pamilya. Buong tapang nilang hinarap ang hamon na puno ng pag asa na makakabawi sa loob ng anim na buwan. Subali’t apat na buwan pa lamang ay nagkaroon na ng pandemya. Sa kabila ng lahat, patuloy pa rin silang lumalaban at hindi sila nawawalan ng pag-asa sa kabila ng matinding kumpetisyon dahil marami na rin nagbukas ng milk tea shop sa kanilang lugar. Humina din ang kanilang benta dala ng pandemya. Sa gitna ng krisis na dulot ng Covid 19, naisipan nila na palitan ang pangalan ng kanilang negosyo ng The Soulful Tea, na hindi lamang nagbibigay ng "comfort" sa bawat inom ng milk tea, kundi nabubuhayan ang loob sa tuwing may nababasang "positive quotes" sa likod ng bawat cup ng kanilang inumin.

Pangarap ng mag-asawa na lumago ang kanilang milk at fruit tea shop at magkaroon ng isang wellness area na kung saan makapagdudulot sila ng empowerment sa kanilang mga parokyano at makapagbibigay ng pag-asa sa bawa’t hamon ng buhay.

bosom - brown sugar
Php 80 solo ; Php 120 buy 1 take 1
bosom - salted caramel
Php 80 solo ; Php 120 buy 1 take 1
bosom - wintermelon
Php 80 solo ; Php 120 buy 1 take 1
bosom - dark choco
Php 80 solo ; Php 120 buy 1 take 1
bosom okinawa
Php 80 solo ; Php 120 buy 1 take 1
bosom - honeydew
Php 80 solo ; Php 120 buy 1 take 1
premium cheesecake - cheesecake classic
Php 90 solo ; Php 140 buy 1 take 1
premium cheesecake - dark choco
Php 90 solo ; Php 140 buy 1 take 1
premium cheesecake - wintermelon
Php 90 solo ; Php 140 buy 1 take 1
premium cheesecake - salted caramel
Php 90 solo ; Php 140 buy 1 take 1
premium cheesecake - blueberry
Php 90 solo ; Php 140 buy 1 take 1

 

Contact number: (0942) 995-9876

Email: djsguevara@gmail.com

Facebook: The Souful Tea

Address:

19 M. H. Del Pilar Street, Guitnang Bayan I,
San Mateo, Rizal

 

 

Share this article