Si Nanay Cristina Militante ay 44 years old, biyuda, ipinanganak sa Catbalogan, Samar nguni't kasalukuyang naninirahan sa Palo, Leyte. Ang kanyang asawa na si Tatay Gilberto ay nasawi sa trahedya ng Typhon Yolanda noong 2013. Apat ang kanilang anak. Ang panganay nilang anak ay may malubhang karamdaman.
Noong 2014, upang maitaguyod ang kanyang apat na anak, nagpasiya si Nanay Cristina na mag-umpisa ng isang maliit na negosyo upang may maipangtustos sa pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya at sa pagpapagamot ng kanyang panganay na anak. Naisip niya na pagkain ang pangunahing pangangailangan ng mga tao kaya't ito ang pinasok niyang hanapbuhay. Gumagawa siya ng iba't ibang uri ng native delicacies tulad ng empanada, palitaw, pitchi pitchi, kutchinta, puto cassava at suman. Sinisikap niyang gawing masarap, malinis at abot-kaya ang kanyang mga produkto upang mabilis itong maibenta. Batid ni Nanay Crisitina ang kahalagahan ng online presence kaya't plinasok na rin niya ang online selling sa pamamagitan ng social media at internet.
Pangarap ni Nanay Cristina na mapalago ang kanyang negosyo at makilala ng mas marami pang tao upang patuloy niyang matugunan ang pangangailangan ng kanyang mag-anak.
|
|
![]() |
|
|
![]() |
|
|
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
Contact Number:
(0947) 447-6122
Email: cristinamilitante2@gmail.com
Facebook: Bing-bing Native Kakanin and Services
Address:
Sitio Caloogan, Barangay San Jose, Palo, Leyte
Link: https://www.iskaparate.com/cristina-militante