Find the perfect gift for your loved ones this Valentines!

Cristina Evangelista

Si Nanay Cristina ay 25 taon nang gumagawa ng home made peanut butter mula sa kanyang tahanan sa Project 4, Quezon City. Ipinagmamalaki niya na palaging bagong gawa ang kanyang produkto mula sa purong mani, hindi mamantika, sakto ang tamis at malinis. Simula noong nakaraang taon ay nag-umpisa na rin siyang gumawa ng biko sa latik na gawa sa purong malagkit, hindi tinipid sa gata at panalo ang lasa. Pinili niya ang negosyong ito dahil ang peanut butter ay madaling ibenta bilang palaman sa tinapay at ang biko naman ay magandang pang almusal, meryenda, at handa sa mga okasyon. Katulong niya ang kanyang asawa, apat na anak at mga manugang sa pagpapatakbo ng kanyang negosyo. Umaasa siya na dadami pa ang kanyang suki at lalong makikilala ang kanyang mga produkto sa pamamagitan ng online selling.

 

Product Price
Peanut Butter (Small) Php50.00
Peanut Butter (Medium) Php100.00
Biko 500ml tub Php65.00

 

Contact Number:

(0948) 205-7496

Email: evangelistac0227@gmail.com

Address:

Home Made Peanut Butter and Biko sa Latik
Block 37 Lot 7 Escopa III, Project 4
Quezon City

Share this article