Chonalyn Alibio

Si Ate Chonalyn Alivio ay 36 years old, ipinanganak sa General Mariano Alvarez, Cavite, at asawa ni Kuya Rowell.  Wala pa silang anak. 
Nag-umpisang magnegosyo si Ate Chonalyn noong Enero 2020 matapos pumutok ang bulkang Taal.  Nangailangan ng face mask ang mga naninirahan sa Batangas at karatig lugar. Gumawa siya ng ilang face masks at ipinamigay sa mga nangangailangan. Yung mga sumunod na ginawa niya ay ibinenta niya.  Nasundan ang Taal eruption ng pandemya at nangailangan pa ng mas maraming face mask kaya't nagpatuloy ang paggawa ni Ate Chonayn.  Lalo niyang pinag-ibayo ang paghahanapbuhay nang mawalan ng trabaho si Kuya Rowell. Nag-aral siyang gumawa ng iba pang produkto tulad ng ibat ibang uri ng bag. Sa ngayon, bukod sa face mask at bag ay nagtatahi rin siya ng neck pillow, kneeling pad, scrunchies, at turban.  Siya mismo ang bumubuo ng mga produkto mula sa design, sewing at packing.  Ang asawa naman niya ang nagdedeliver sa mga customer.  
Dahil maliit lang ang kanyang puhunan, pinaiikot lang niya ang kaunting puhunan upang tugunan ang mga order sa kanya.  Hindi siya gaano makapagdala ng produkto sa malalayong lugar dahil sa quarantine nguni't mapalad naman siya na tinatangkilik ang kanyang mga produkto sa kanilang lugar. Hinahangad niya na makaipon ng mas malaking kapital upang makabili ng maraming materyales at makapagbenta sa mas malawak na market.  
 
Product Price
Baby Bag
Php300 - Php450
String Bag Php85.00
Tote Bag Php120.00
Sling Bag Php75.00

Eco Bag 10x12

Eco Bag 12 x 15

Php25.00

Php30.00

Picnic Bag Php65.00
Neck Pillow Php100.00
Balaclava Php75.00
Washable Face Mask Php15.00
Turban Php30.00

 

 

Contact Details:

(0997) 629-4374

Email: alivio_chonalyn@yahoo.com

Facebook: Sewing Delights

Address:

Block 20, Lot 12, P1 Solar Homes San Agustin 1, Dasmariñas, Cavite

Link: https://www.iskaparate.com/chonalyn-alibio

 

 

Share this article