Cherry May Suazo

Si Ate Cherry May ay 25 years old, naninirahan at naghahanapbuhay sa Antipolo City. Panganay siya sa anim na magkakapatid. Nakatapos si Ate Cherry May ng tatlong taon sa kursong Bachelor of Science in Secondary Education, Major in English. Dahil mahusay ang kanyang mga marka sa kolehiyo, kahit hindi pa siya tapos ay nakapagtrabaho siya bilang teaching assistant sa isang Montessori school at sa kalaunan ay naging substitute teacher sa isang Methodist school. Nasundan iyon ng halos dalawang taong pagtuturo ng ESL sa isang international English language school sa Antipolo City. Siya at ang kanyang asawa na si Kuya Francis ay nabiyayaan ng tatlong anak. Mahirap ang naging simula nila bilang mag-asawa dahil naging sakitin ang panganay nilang anak. Napilitan siyang tumigil na sa pag-aaral at ituon ang kanyang pansin sa kanyang anak. Si Kuya Francis naman ay nagpatuloy mag-aral, nakapagtapos at nakahanap ng mahusay na trabaho. Nguni't bagong hamon ang dumating sa kanila nang dumating ang pangalawa nilang anak. Nagkaroon ito ng kondisyon sa puso na hindi karaniwan at nangangailangan ng kakaibang procedures. Lalong pinag-ibayo ng mag-asawa ang paghahanapbuhay upang matustusan ang pang-araw-araw nilang pangangailangan bukod sa pag-asikaso sa karamdaman ng kanilang anak. Noong Disyembre, 2018, habang pinag-iisipan ni Ate Cherry May kung ano ang dapat maging hairstyle ng panganay niyang anak sa darating nitong Christmas Party, naghanap siya sa internet ng mga accessories. Hindi niya nagustuhan ang mga nakita niya kaya nag-isip siyang bumuo ng sarili niyang design. Hindi ito naging mahirap para sa kanya dahil likas ang kanyang hilig sa arts. Bukod dito, nakita niya ang pagkakataon na gawing hanapbuhay ang gagawin niyang design dahil talaga namang naghahanap siya ng dagdag na pagkakakitaan lalo na't ipinagbunbuntis niya noon ang pangatlo nilang anak. Sinundan niya ang mga tutorials sa Youtube, naghanap siya ng mga materyales, at bumuo ng fabric flowers. Humanga ang mga nakakita sa kanyang produkto at nagkaroon siya ng maraming orders at reservations lalo na't parating na noon ang Pasko. Nagpasiya siyang panindigan na ang negosyong ito at gumawa siya ng Facebook Page upang lalong maraming makapansin sa kanyang ginagawa. Tulad ng ibang negosyo, humina din ang kanyang benta dahil sa pandemya. Nguni't sa halip na panghinaan ng loob, sinasamantala ni Ate Cherry May ang pagkakataon upang mag-ipon ng materyales, pagandahin ang kanyang packaging at bumuo pa ng maraming design upang mapaghandaan ang pagbalik ng sigla sa ekonomiya kapag tuluyan nang lumisan ang Covid19.

 

Product Price
Kanzashi Headband Php 50
Floral Hair Ties by Pair Php 40
Elastic Headband Php 50
Floral Hair Ties by Women Php 35
Floral Headband Php 50
Brides Crown Php 100
Bridesmaid's Crown Php 60
Elastic Headband Php 50
Kanzashi Hairclips Php 20 per pair
Hair Claw Php 70

 

 

 

Contact Details: 

(0909) 680-8502

Email: cherrysuazo0816@gmail.com / cherryshandmadeblossoms@yahoo.com

Facebook Page:  Cherry S. Handmade Blossoms

Address:

Sitio Kabisig, Barangay San Jose, Antipolo City

Link: https://www.iskaparate.com/cherry-may-suazo

Share this article