Carmelita Delos Trino

Si Nanay Carmelita Delos Trino ay 56 anyos na taong gulang at tubong Biñan, Laguna. Bunso siya sa limang magkakapatid at sila ay tinaguyod ng kanilang namayapang ina sa paglalabada. Dahil sa kahirapan hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang magkakapatid. Matapos ang elementary nahinto na sa pag-aaral si Nanay Carmelita at tumulong na lamang sa kanyang pamilya sa paghahanapbuhay. Dahil sa karanasang ito, nang mapangasawa niya si Tatay Arnel Delos Trino, sinikap nila na mapagtapos sa pag-aaral ang kanilang mga anak. Ang panganay na si Katrina Manabat ay graduate ng Nursing Aide at ang bunso na si Jack Delos Trino ay graduate ng Medical Technology. Edukasyon ang tanging pamana na maiiwan nila sa kanilang mga anak. Sa pagsusumikap ay nakapagtayo si Nanay Carmelita at Tatay Arnel ng isang munting negosyo, ang pagawaan ng mga sumbrero. Nagsimula ang kanilang negosyo labing walong taon na ang nakakaraan. Noong una ay naging mahirap sa kanila dahil hindi nila alam kung saan magbebenta. Naglakbay sila kung saan saan upang magbenta ng kanilang produkto at sa kalaunan ay nakatagpo sila ng ahente na bumili ng bultuhan para sa kanilang tauhan at paninda. Maraming pagsubok ang dumating sa kanilang pagnenegosyo tulad ng pagkalugi dahil sa bagyo, na kung saan hindi sila nabayaran. Wala silang nagawa kundi magsimula muli kalakip ng pag-asang babangon muli. Nalampasan nila ang krisis ng pandemya ng kahit paano ay may customers na patuloy na nagtitiwala sa kanilang mga produkto. Pumatok ang kanilang waway hat na nilagyan nila ng face shield. Malaking tulong din ang KASAGANA-KA na nagpahiram sa kanila ng pandagdag puhunan. Sa ngayon ay sapat na muna ang biyayang nararanasan nila lalo na sa panahong ng pandemya. Subali’t kung may biyaya pa na parating tiyak ay hindi nila ito palalampasin. Plano nila sa darating na panahon na kumuha ng mga tauhan upang mas marami pa ang magawa nilang produkto. Para kay Nanay Carmelita, anumang hirap ang ating kakaharapin sa buhay huwag kalilimutan humingi ng tulong at mag pasalamat sa Maykapal dahil hindi nya tayo pababayaan.

 

Product Price

Abusayaf Hat Plain

 

Abusayaf Hat w/ Burds

Php60.00

 

Php100.00

Waway Hat Php40.00
Hat with Face Mask and Face Shield Php80.00

 

Contacts Details: 

(0955) 428-2563

Email: delostrinocarmelita@gmail.com

Address:

219 Nielo St. Platero Biñan City, Laguna

Link: https://www.iskaparate.com/carmelita-delos-trino

 

Share this article