Carmelita Bagariz

Si Nanay Lita, 65 taong gulang, ay isang retired na mananahi ng Sta. Maria, Bulacan. Sila ni Tatay Luis, 72 taong gulang, ay may tatlong anak na pawang mga naghahanapbuhay na. Dating namamasukan si Nanay Lita sa isang patahian ng mga damit. Nang siya’y naging senior citizen na, nagpasya siya na tumigil na sa pamamasukan at nag self-employed na lamang. Napakaliit kasi ng kanyang kinikita bilang mananahing namamasukan. Nag negosyo siya ng pot holders, rags at mga ribbons (panali ng buhok) na siya niyang tinatahi at binebenta. Kahit anong pagkakakitaan ay ginagawa ni Nanay Lita tulad ng paglalaba upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya lalo na’t sya ang nag-aalaga sa kanyang apo na naulila na sa ina. Si Tatay Luis naman ay nakikipasada lamang ng tricycle ng iba. Nang dumating ang Covid19 pandemic lubhang naapektuhan ang pagnenegosyo ni Nanay Lita. Hindi sya makalabas ng bahay bilang senior citizen at walang masakyan. Dama nila ang sobrang kahirapan ng buhay. Ganunpaman hindi siya nawalan ng pag-asa. Bagkus sinikap pa niyang humanap ng ibang mapagkakakitaan. Kaya naisipan niyang magtinda ng suman, atsara at mga lutong ulam. Subali’t hindi rin ito naging madali sa kanya dahil hindi sya makalabas ng bahay sa araw bilang isang senior citizen na vulnerable sa infection ng virus. Upang maituloy ang kanyang hanapbuhay habang umiiwas sa infection, nagsasakripisyo siyang gumising ng alas dos ng madaling araw upang mamili ng sangkap sa kanyang lutuin at nang hindi makasabay sa maraming mamimili sa palengke. Sa awa ng Diyos naman ay natutustusan pa rin nila ang araw araw nilang pangangailangan. Madami mang pagsubok ang dumating sa buhay ni Nanay Lita pero buo pa rin ang kanyang loob at matatag ang pananampalataya na kaya niyang lagpasan ang mga pagsubok alang alang sa kanyang pamilya.

 

Product Price
Suman Php 10 per piece
Atchara Php 50 per piece
Lutong Uulam Mongo Php 30.00
Lutong ulam laing Php 30.00

 

 

Contact Details:

(0909) 930-2820

Email: khimbagaris@gmail.com

Address:

Tanglaw Tumana, Sta. Maria, Bulacan

Link: https://www.iskaparate.com/carmelita-bagariz

Share this article