Camille Nunez

Si Ate Camille ay 32 years old, ipinanganak sa Quezon City nguni't kasalukuyang naninirahan sa Imus, Cavite. May tatlo siyang anak at ang kanyang panganay ay 12 years old pa lamang. Nagtapos si Ate Camille ng kursong Hotel and Restaurant Management. Mahilig siyang magluto, mag-bake, at maghalo ng mga inumin. Nagtrabaho siya sa ilang kumpanya katulad ng National Press Club at Shell Canvas bago nagpasyang magnegosyo noong 2016. Dahil mahilig siya sa milk tea, nag-umpisa siya ng milk tea business sa tulong ng kanyang pamilya at mga anak. Noong una ay tumatanggap siya ng mga online order at ginagawa niya ang milk tea sa bahay bago ipadala sa customer. Sampung cups ang panimulang order sa kanya at limang flavor ang ginagawa niya hanggang sa magkaroon na siya ng mga suki sa mga opisina, paaralan, at call center. Ngayon ay nakakapagdeliver na siya ng 60 cups sa isang suki na call center at nakapagdagdag na siya ng iba pang flavor. Noong 2019 ay nakaupa siya ng sariling puwesto kaya't lalong nakilala ang kanyang produkto. Nakikilahok din siya sa mga event at bazaar upang palawakin ang kanyang market. Kahit bata pa siya, beterano si Ate Camille sa mga pagsubok. Noong maliit pa ang kanyang panganay ay nagkaroon ito ng maselang karamdaman at kinailangang dalhin sa ibang bansa para sa isang delikadong operasyon. Ang pag-uumpisa sa negosyo nang walang nakakakilala pa ng kanyang produkto ay isa rin sa mga pagsubok na dinaanan niya. Ang kasalukuyang pandemya ay nagpapatuloy na isang mabigat na hamon sa kanyang kakayahan bilang negosyante.

 

Product Price
Classic Milk Tea Php 35 grande ; Php 45 venti
Wintermelon Php 50 grande ; Php 60 venti
Okinawa Php 50 grande ; Php 60 venti
Caramel Php 55 grande ; Php 65 venti
Dark chocolate Php 50 grande ; Php 60 venti
Matcha Php 55 grande ; Php 65 venti
Choco Hazelnut Php 50 grande ; Php 60 venti
Taro Php 50 grande ; Php 60 venti
Iskramble
Php 29 ( 12oz. 1 topping); Php 49 (16oz. 2 toppings); Php 69 (22 oz. 2 toppings with nutella)

 

 

 

Contact: (0905) 285-8632

Email: camillernunez@gmail.com

Facebook: Don Tsa Bubble Tea

Address:

Block 16 Lot 5, Good Family Homes
Anabu 1A, Imus, Cavite

 

Share this article