Brigilda Areno

Si Nanay Brigilda ay 49 years old, tubong Tayug, Pangasinan nguni't kasalukuyang naninirahan at nagnenegosyo sa Teresa, Rizal, kasama ang kanyang asawa na si Tatay Michael at ang kanilang limang anak. Tatlo sa kanilang anak ang kasalukuyan pang nag-aaral. Palibhasa ay masipag mag-aral, maraming skills si Nanay Brigilda. Siya ay nagtapos ng computer secretarial at natuto rin na maging acupuncturist at herbalist. Bago siya pumasok sa negosyo, naging artist designer siya sa dalawang ceramics company, naging sub-contractor ng export accessories, at nagturo bilang cake decorator sa isang cake school sa Quezon City. Nag-umpisa ang yakoyaki food business ni Nanay Brigilda noong Setyembre 2020. Nag-isip ang buong pamilya ng paraan para kumita sa kabila ng mga limitasyon sa pagbyahe at paggala sa labas ng bahay dahil sa pandemya. Nagpasiya sila na magluto ng authentic Japanese food na abot-kaya ang presyo. Para hindi maging hadlang ang quarantine, nagbenta sila online sa pamamagitan ng Facebook. Naging patok ang negosyo nila dahil mahalaga ang pagkain sa mga panahong hindi makalabas ang mga tao sa kanilang tahanan. Halimbawa ang negosyo ni Nanay Brigilda ng isang oportunidad na ibinubunga ng krisis tulad ng Covid19. Umaasa siyang magpapatuloy ang paglago ng kanyang negosyo kahit mawala na ang quarantine dahil sinisikap niyang panatilihin ang kalidad ng kanyang mga produkto upang ang kanyang mga customer ay maging pangmatagalan.

 

Product Price
Octobits (octopus)  Php 99.00 for 8 pieces per box
Crabits (crab) Php 99.00 for 8 pieces per box
Baconator (bacon)  Php 99.00 for 8 pieces per box
Cheesy bomb  Php 129.00 for 8 pieces per box
Baby Octopus  Php 129.00 for 8 pieces
Sulit Tray  Php 189.00 for 15 pieces
Family Tray  Php 279.00 for 22 pieces

 

Contact Details: 

(0932) 377-3168 / (0955) 772-7624

Email: brigildasoberanoareno@gmail.com / eatstakoyummy@gmail.com

Facebook: Eats Takoyummy

Address:

Block 1 Lot 14 Carissa Homes East 1, Brgy. Prinza, Teresa, Rizal

Link: https://www.iskaparate.com/brigilda-areno

 

 

Share this article