Bernabet Alejo

Si Ate Bernabet Alejo ay isang katutubong magbukun ayta o Bataan Bayta na nakatira sa Sitio Kanawan, Binaritan, Morong, Bataan. Siya ay 30 taong gulang, pangalawa sa anim na magkakapatid, at wala pang asawa. Ang kanyang ina ay nagtatrabaho bilang ground maintenance sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at ang kanyang ama naman ay walang trabaho sa ngayon dahil naoperahan sa paa at di na makalakad ng maayos. Isa ring missionarsi Ate Bernabet sa kanilang komunidad. Siya ang bumibili at nagbebenta ng mga produktong ani ng mga kapwa niyang katutubo.

Ang negosyo ni Ate Bernabet ay nabuo dahil sa Covid19. Nakita niya ang hirap ng mga kapwa katutubong magbukun sa pagbebenta ng mga produkto dahil sa lockdown. Nagkaroon ng panahon na dalawang araw lamang sa isang linggo ang ibinigay sa kanila upang bumaba sa palengke at magbenta ng kanilang ani. Marami ang produktong hindi naibebenta dahil sa kakulangan ng transportasyon. Bilang bahagi ng pamuinuan sa kanilang komunidad, nag-isip siya ng paraan upang matulungan ang mga magsasaka. Ginamit niya ang kaalaman sa social media upang maiparating sa kaalaman ng mas marami ang mga produkto ng katutubo. Nag-post siya sa Facebook ng mga ani ng katutubo at dahil dito ay marami ang tumangkilik sa kanilang mga produkto. Alam na alam ni Ate Bernabet ang kahalagahan ng online presence kaya't umaasa siyang magsisilbing tulay ang Iskaparate sa pagitan ng mga magsasaka at mga mamimili. ​

 

 

Product Price
Kamoteng baging ₱60.00 per Kg
Kamoteng ube ₱60.00 per Kg
Laman gabi ₱60.00 per Kg
Sili pamaksiw ₱300.00 per Kg
Kalabasa ₱30.00 per Kg
Talong ₱100.00 per Kg
Ampalaya ₱100.00 per Kg
Pepino ₱50.00 per Kg
Okra ₱120.00 per Kg
ube panghalaya ₱70.00 per Kg
luya ₱100.00 per Kg
siling labuyo ₱600.00 per Kg
sitaw ₱200.00 per Kg
kamoteng kahoy ₱30.00 per Kg
honey ₱250.00 per Kg
saba ₱35.00 per Kg
latundan ₱40.00 per Kg
niyog ₱20.00 per Kg

 

Contact Details:

(0930) 084-7649 ; (0951) 752 9259

Email: bernabetalejo0802@gmail.com; alejobernabet16@yahoo.com

Facebook Page: Ani Ayta

Address: 

Sitio Kanawan, Binaritan, Morong, Bataan

Link: https://www.iskaparate.com/bernabet-alejo

Share this article