Aurea Gonzales Agumbay

Si Nanay Aurea ay 52 years old, naninirahan sa Antipolo City, at asawa ni Tatay Agapito. May tatlong anak si Nanay Aurea sa una niyang asawa na yumao. Sila ay may mga edad na 25, 27 at 29. Taong 2008 pa lamang ay nagtitinda na si Nanay Aurea ng chicharon, bawang, breading at kung anu ano pa upang makatulong sa kanyang asawa at mga anak. Nang dumating ang pandemya, hindi na siya makapaglako ng kanyang mga produkto dahil walang jeep na masasakyan. Bukod dito, nawalan ng trabaho ang kanyang asawa at mga anak. Doon siya nagpasiya na magtinda ng meryenda online. Alam niyang marami na siyang kalaban sa online selling kaya't sinisikap niyang maiba sa kompetisyon sa husay at teknik ng pagluluto. Masarap, malinis, at de kalidad ang mga sangkap - ayon kay Nanay Aurea, ito ang tatak ng kanyang mga produkto. Ang mga niluluto niya ay paboritong panghimagas ng mga Pilipino sa mga lalawigan man o mga lungsod. Maayos naman ang takbo ng kanyang negosyo dahil marami na ang tumatangkilik ng kanyang leche flan, butchi, sapin sapin, pitchi pitchi, at jelly flan. Ikinararangal niyang mabilang sa Kasagana-Ka Credit and Savings Cooperative (K-Coop) at ninanais niyang maging positibong impluwensiya sa mga maliliit na negosyante sa gitna ng mahihirap na suliraning hinaharap ng buong bansa ngayon.

Product  Price
Jelly Flan Php 40 per tub
Pichi - Pichi Php 50 per tub
Leche Flan Php 80 per tub
Sapin Sapin Php 50 per tub

Kutsinta with Cheese Php 50 per tub

Cassava Flan Php 60 per tub

Butchi with Cheese and Ube Php 50 per tub

 

Contact Details: 

(0907) 107-1864

Email: aureagonzalesagumbay@gmail.com

Address:

Maagay 1, Inarawan, Antipolo City

Link: https://www.iskaparate.com/aurea-gonzales

 

 

Share this article