Annalyn Nery Llagas

Si Nanay Annalyn Llagas ay 36 years old, isang maybahay na taga Caloocan. Ang kanyang asawa na si Tatay Lino ay nagtratrabaho naman bilang factory worker sa isang food manufacturer (HAPPY PEANUT) at sila ay may dalawang anak na kapwa nasa high school. Upang madagdagan ang kita nilang mag-asawa para sa kanilang pang araw-araw na gastusin, naisip ni Nanay Annalyn na gumawa ng crema de fruta at ibinenta nila sa mga kaibigan at mga kapitbahay.

Dalaga pa lang si Nanay Annalyn ay mahilig na siyang magluto at gumawa ng mga masasarap na desserts. Kung kaya naman naging patok sa kanilang mga parokyano ang produkto ni Nanay Annalyn. Sa kalaunan nagdagdag na rin sya ng iba't ibang flavor sa kanyang graham desserts. Naging maganda naman ang takbo ng kanilang negosyo hanggang sa dumating ang Covid19 pandemic. Saglit na natigil ang kanilang pagnenegosyo sa kadahilanang hindi sila makalabas ng bahay upang mamili ng mga sangkap. Hirap din sila sa transportasyon. Lalo pa nilang nadama ang hirap ng pandemya ng nagsara panandalian ang factory na pinapasukan ni Tatay Lino.

Subali't hindi sila nawalan ng pag-asa at pananampalataya. Naisipan nila na mag online selling at nag alok sila sa iba't ibang food business page sa Facebook upang doon maka order ang kanilang mga suki. Dahil sa anking sipag at tiyaga nalampasan nila ang malaking pagsubok na dumating sa kanilang buhay bilang micro-entrepreneur. At sa tulong ng Iskaparate.com na nasumpungan lamang ni Nanay Annalyn sa kanyang Facebook newsfeed, umaasa sya na lalawak pa ang maabot ng kanyang munting negosyo.

Graham de Leche Php110.00
Ube de Leche Php110.00
Leche Flan Php90.00
Mango Graham Php100.00
Crema de Fruta Php100.00
Cookies and Cream Php100.00

 

Contact Details: 

(0920) 680-5400

(0956) 395-5720

Email: annalyn0406llagas@gmail.com ; chubbymine216@yahoo.com 

Facebook: Chubbymine"s Graham Dessert

Address:
Brgy 169 Ninong Isidro Street, FC Bartolome Ville, BF Homes, Caloocan City

Link: https://www.iskaparate.com/annalyn-llagas

Share this article