Anita Paguio-Fernan

Si Nanay Anita ay 54 years old, naninirahan sa Pamplona, Camarines Sur, at asawa ni Tatay Fernando. May lima silang anak na napagtapos na nila ng pag-aaral maliban sa kanilang bunso.

Chairperson si Nanay Anita ng Golden Parauma Producers Cooperative na itinatag noong November 2015. Nag-umpisa ang organisasyon bilang non-profit corporation nguni't nagpasya ito nang kalaunan na maging kooperatiba upang makapag-negosyo. Nagdaan ang organisasyon sa maraming matinding pagsubok. Sa kasalukuyan, lima na lamang sa orihinal na limampung kasapi ang naiwan sa samahan. Ang dati nitong opisina at rice mill ay napabayaan mula nang lumipat dito ang apo ng may ari ng lupa para manirahan at ang katabing lugar ay natayuan ng sugalan. Dahil dito, hindi naudlot ang mga naumpisan ng organisasyon. Noong 2018, nagpasya ang ilan sa mga original na kasapi ng samahan na muling buhayin ang kanilang organisasyon dahil sa kagustuhan ng mga naninirahan sa Pamplona na magkaroon ng kooperatiba. Sa kasalukuyan, may walumpu at isang kasapi ang kooperatiba at may apat na cooperative farms na pinagkukunan ng produkto na ipoproseso. Marami nang kababaihan at kabataan ang kabilang sa samahan. Nakatanggap ng tulong ang kooperatiba sa Angat Buhay, sa lokal na pamahalaan at sa Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka.

Patuloy ang pagsisikap- ng kooperatiba na pagandahin ang kabuhayan ng mga kasapi nito at makatulong sa komunidad sa pamamagitan ng pagsasaka na naaayon sa kalikasan at nagbubunga ng malusog na pagkain. Ipinagmamalaki ng kooperatiba na ang mga produkto nito ay gawa sa mga sangkap na nanggaling sa kanilang mga cooperative farm at deretso sa food processing plant.

Sa panahon ng Covid19, naapektuhan ang negosyo ng kooperatiba dahil sa mga limitasyon sa paggala nguni't naging dahilan din ito upang lalong dumami ang kanilang mga miyembro na nagnanais na tulungan ang komunidad at ang bansa.

 

Product and Price: Salabat 100 g - Php50.00

 

Contact Details:

(0919) 786-3355

Email: goldenparauma@gmail.com

FB Page: Golden Parauma Agriculture Cooperative - GPAC

Address: 

Zone 7, Tambo, Pamplona, Camarines Sur

Link: https://www.iskaparate.com/anita-fernan

Share this article