See Exclusive Deals for the Christmas Season!

Anabelle Hernandez

Bagong entrepreneur si Nanay Annabelle. Limang buwan ang nakakaraan, umaksyon si Nanay Annabelle dahil nawalan ng kita ang kanyang asawa at mga anak dahil sa pandemic. Dati siyang karaniwang maybahay at ina ng apat na matalino at matagumpay na mga anak. Bago dumating ang Covid19, maganda ang trabaho at kita ng asawa niyang si Tatay Gregorio na isang surveyor. Tumutulong din noon sa pagtustos sa mga pangangailangan ng pamilya ang apat na anak ni Annabelle na may mga bachelor’s degree at magagandang propesyon.

Nag-iba ang takbo ng buhay nila dahil sa lockdown. Nguni’t buo ang loob ni Nanay Annabelle. Ginamit niya ang kanyang talento sa pagluluto upang mag-negosyo at suportahan ang pamilya. Naglako siya ng mga lutong pagkain at tumanggap ng mga order. Dahil sa galing niyang magluto, palaging nauubos ang kanyang produkto.
Tampok sa mga luto ni Nanay Annabelle ang carbonara, empanada, at brownies. Gumagawa rin siya ng lasagna at customized na birthday cake. Ipinagmamalaki ni Nanay Annabelle na ang kanyang carbonara ay healthy dahil hindi niya ginagamitan ng ingredients na maraming cholesterol. Tuna flakes at oil na may omega 3 ang ginagamit niya. Ang brownies niya ay gawa sa dark chocolate at masarap kainin dahil sa fine texture. Ang kanyang empanada ay walang ingredients na ma-cholesterol.

Carbonara
Php 50 per pack
Php 600 good for 5-6 persons
Php 1,200 good for 10-12 persons
Brownies Php 20 per box

 

 

Contact details: 

(0916) 863-1826

Annabelle.S.Hernandez1967@gmail.com

Facebook: Orielle's Homemade Goodies

Address:

12 Pingkian 2A Barangay Pasong Tamo, Quezon City

 

Share this article