Alona Caraan

Si Nanay Alona ay 52 years old, naninirahan sa Silang Cavite, at asawa ni Tatay Crisostomom na isang Pastor. Mayroon siyang isang anak na nag-aaral pa sa kolehiyo. Nabuo ang pagnanais ni Nanay Alona na mag negosyo noong 2012 nang siya ay nagbitiw sa isang paaralan upang makatuwang ni Tatay Crisostomo sa community services. Dahil ang kanilang simbahan ay tumutulong sa komunidad sa larangan ng pamumuhay at pantawid gutom, nakita ni Nanay Alona ang matinding pangangailangan ng mga kababaihan na magkaroon na kakayahan sa hanapbuhay tulad ng pagtitinda. Doon nag-umpisa ang kanyang negosyo sa lechon roll at longadog. Ipinagmamalaki ni Nanay Alona na ang mga lechon roll at longadog na gawa niya ay masarap, de kalidad at abot-kaya ang presyo. Sa panahon ng Covid19, kinailangan ni Nanay Alona na pag-ibayuhin ang kanyang paghahanapbuhay dahil dumami ang competition lalo na sa mga sumulpot na online sellers. Bukod dito, karamihan ng mga bumibili ng kanyang produkto ay humihiling ng home delivery nguni't wala naman siyang delivery equipment. Sa tulong ng online selling, umaasa si Nanay Alona na mas maraming makakadiskubre ng kanyang mga mahusay na produkto.

 

Product Price
Lechon Roll Php250 per kilo
Chicken or Pork Longadog Php190 per kilo

 

Contact Details: 

(0916) 662-0245 / (0917) 913-9940

Email: alonacaraan@yahoo.com / criz_caraan@yahoo.com

Address: 

Kaong, Silang, Cavite

Link: https://www.iskaparate.com/alona-caraan-1

 

Share this article