Find the perfect gift for your loved ones this Valentines!

Alona Caraan

Si Nanay Alona ay 52 years old, naninirahan sa Silang Cavite, at asawa ni Tatay Crisostomom na isang Pastor. Mayroon siyang isang anak na nag-aaral pa sa kolehiyo. Nabuo ang pagnanais ni Nanay Alona na mag negosyo noong 2012 nang siya ay nagbitiw sa isang paaralan upang makatuwang ni Tatay Crisostomo sa community services. Dahil ang kanilang simbahan ay tumutulong sa komunidad sa larangan ng pamumuhay at pantawid gutom, nakita ni Nanay Alona ang matinding pangangailangan ng mga kababaihan na magkaroon na kakayahan sa hanapbuhay tulad ng pagtitinda. Marami ang nakapansin sa mga libangang halaman na ipinapakita niya sa Facebook. Nakatanggap siya ng mga order at pinag-ukulan na niya ng panahon ang mga halamang produkto. Maganda ang mga halamang produkto niya dahil personalized ang pag-alaga niya sa mga ito. Sa panahon ng Covid19, kinailangan ni Nanay Alona na pag-ibayuhin ang kanyang paghahanapbuhay dahil dumami ang competition lalo na sa mga sumulpot na online sellers. Bukod dito, karamihan ng mga bumibili ng kanyang produkto ay humihiling ng home delivery nguni't wala naman siyang delivery equipment. Sa tulong ng online selling, umaasa si Nanay Alona na mas maraming makakadiskubre ng kanyang mga mahusay na produkto.

Product Price
Succulents / Cactus in Pot Starts at Php70
Indoor/Flowering/Fruit- Bearing Plants Starts at Php100
Bonsai Starts at Php350
Dish Garden Starts at Php400

 

Contact Details: 

(0916) 662-0245 / (0917) 913-9940

Email: alonacaraan@yahoo.com / criz_caraan@yahoo.com

Address: 

Kaong, Silang, Cavite

 

Share this article