Vivian Capambe

Si Ate Vivian ay 48 years old at naghahanapbuhay sa San Jose Del Monte City, Bulacan.  Nakilala niya ang partner niya noong taong 2008 at magkasama pa sila hanggang ngayon.  May alam ang partner niya sa paggawa ng peanut butter kaya't nagpasiya sila na gawin. itong negosyo.  Nag-umpisa sila sa tatlong kilong mani nguni't ngayon ay umaabot na sa pitong kilo ang kanilang niluluto tatlong beses sa isang buwan.  Nagustuhan naman ng mga customer ang kanilang produkto at lahat ng nakabili sa kanila ay naging suki.  Sa kalaunan ay nakapagpundar sila ng mga gamit sa bahay at nakabili pa ng second hand na mini van.  Di nagtagal ay nakapagtayo rin sila ng isang sari sari store habang tuloy tuloy pa rin ang paggawa nila ng peanut butter. 
Noong 2015 ay dumaan si Ate Vivian sa isang malaking pagsubok.  Nagkasakit ang kanyang partner at nagdesisyon na bumalik sa kanilang probinsiya.  Dalawang taon ang inabot bago nakabalik ang kanyang partner at iyon ang naging bagong simula para sa kanila.  Gumawa sila ulit ng peanut butter at naghanap ng iba pang pagkakakitaan tulad ng sari sari store at pagbegenta ng street food.  ​Tulad din ng ibang maliit mangangalakal, nahirapan si Ate Vivian na itaguyod ang kanyang negosyo sa panahon ng Covid19 dahil sa hirap lumabas at gumala. Ngayon ay unti unti nang bumabalik ang dating sigla ng negosyo at umaasa si Ate Vivian na magpapatuloy na hindi hanggang sa maging normal na naman ang takbo ng hanapbuhay.  


 Product Price
Peanut Butter (medium) ₱95
Peanut Butter (large) ₱120

 

Contact Details:
(0951) 293-5873
(0905) 943-0211
Email:  Rebeccatoylo8@gmail.com
Facebook: Rebecca Toylo
Address:
Block 30, Lot 11, Phase 6, Towerville
Gaya Gaya, San Jose Del Monte City, Bulacan

Share this article

Liquid error (layout/theme line 76): Could not find asset snippets/preorder-now.liquid