Si Nanay Rechelle Ann ay 36 years old, naninirahan sa Baybay City, Leyte, at asawa ni Tatay Benny. May tatlong silang anak na nag-aaral pa. Nag-umpisang magnegosyo si Nanay Rechelle Ann noong June 2018. Sinalo niya ang isang nabuwag na grupo ng mga nanay na naghahabi ng native products. Ang mga produkto niya ay gawa sa pandan na masagana sa isla ng Leyte. Matagal nang hanapbuhay ng mga kababaihan sa lugar ni Nanay Rechelle Ann ang paggawa ng banig dahil sa supply ng pandan. Naisip niya na mag-innovate at gamitin ang pandan leaves para gumawa ng bags, slippers, hats, wallets, plantitos at plantitas. Natulungan sila ng local government na makakuha ng training sa paggawa ng mga produktong ito. Malaki ang epekto ng Covid19 kay Nanay Rechelle Ann dahil nawala ang mga customer. Sa panahon ng pandemya, kailangang kailangan ng pagkakakitaan nguni't hindi pumapasok ang mga order. Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Nanay Rechelle Ann na sa pamamagitan ng online exposure, maraming makakapansin sa kanyang mga produkto at tutulungan siyang makakuha ng mga bagong orders.
Product | Price | |
Baskets | PHP 200 per piece | ![]() |
Slippers | PHP 150 per pair | ![]() |
Wine Holder | PHP 80 per piece | ![]() |
Oval Basket | PHP 300 per piece | ![]() |
Bayong (Set of 2) | PHP 1,200 | ![]() |
Contact Details:
(0998) 549-3470
Email: rbcc_rbcc@yahoo.com / oraparechelleann@yahoo.com
Facebook: Rechelle Ann Yap Orapa
Address: Barangay Plaridel, Baybay City, Leyte
Link: https://www.iskaparate.com/rechelle-ann-orapa